Kakayanin

69 2 0
                                        

Kay daling sabihin
Kay hirap patunayan
Ang mga salitang ayos lang ako
Habang sa sarili'y itinatanong ang PAANO

Kaya ko
Kakayanin ko
Kakayanin ko nga ba?
Paano?

Tila'y kay hirap lumaban
At kay hirap bumangon
Sa pagkakadapa
Na ang sarili ang may gawa

At sa pag-iisip nang maulap
Ay may biglang pumasok sa isip
Naalala ang mga panahon
Na ang sitwasyo'y  ganito rin

Panahong bumagsak rin
ngunit lumaban
Kaya ang tanong na paano malalagpasan
Ay may kasagutan pa rin ngayon

Noon ay aking nakayanan
At aking  napatunayan
Na ang mga salitang ayos lang ako at kakayanin ko
Ay pwedeng maging totoo.

Kaya ngayon
Ay muling  lalaban
At ang "Ayos lang ako"
Ay masasabi nang walang ng  pagtatanong

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon