Sabi mo'y ikaw ay pagod na
Sabi mo'y kailangan mo muna ng pahinga
Sabi mo'y sa isa't isa ay panandaliang lumayo
Ngunit bakit ngayon, lahat ay nagbago?
Ang iyong hiniling ay espasyo
Upang malinawan ang isip na magulo
Ayusin muna ang ating mga sarili, sabi mo
Pero bakit ikaw ay nagbago?
Binigay ko ang lahat-lahat
Hindi ko ininda ang bawat sakit
Sayo'y ngumingiti ako nang pilit
Kahit puso'y unti-unti nang napupunit
Hiling mo ay aking pinagbigyan
Binigay ang iyong kalayaan
Sabi mo ikaw ay babalik
Ngunit iyon pala'y isa lamang panaginip
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
