Minsan nagsisisi, minsan hindi
Minsan ayos lang, minsan masakit
Ano nga ba talaga ang nakaukit
dito sa puso kong masakit?
Kinikilig, nagtataka, nanghihinayang
Ano kaya ang mangyayari kung siya ay hindi dumating
Ako pa rin ba? Ako lang ba talaga?
O sadyang kayo ay talagang nakatadhana?
Hindi ka pinansin, hindi ka binigyan ng atensyon
Sinadyang gawing maikli ang bawat sagot sa iyong katanungan
Pinigilan ang sarili, gustong tuparin ang pangako
Na hindi muna, 'wag muna tayo
Masaya ka, nakikita ko
Karapat-dapat nga siya para sa'yo
Tama nga ba na iyon ang ginawa ko?
Siguro nga, oo.
Masaya ako para sa'yo
Maniwala ka man sa hindi, 'yan ang totoo
Ayokong mawala ang ngiti sa mga labi mo
Kahit na hindi ako ang dahilan nito
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
