May Mundo ba?

87 3 0
                                    

May mundo ba?
Na walang taong mapanghusga?Walang hinugusgahan
At sinisiraan?

May mundo ba?
Na walang pagkukumpara?
Lahat ay mahalaga
Kahit hindi perpekto't maganda?

May mundo ba?
Na walang maskara?
Yung tanggap ng lahat
Kung sino ka man

May mundo ba?
Na pagmamahal lang ang pinaiiral?
Walang kasamaan at inggit
Na sa puso'y nananaig

May mundo ba?
May ganito ba?
Wala,wala.
Walang ganito.Wala.

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon