Maaari bang umiyak?
Nang mabawasan ang sakit
Pwede bang kahit ngayon lang
Ako'y maaaring maging mahina?
Ayoko na.
Tama na.
Ginawa ko lahat
Pero tila'y hindi pa rin sapat
Sa bawat laban na aking hinaharap
Kasama nito ang pangakong gagawin ko ang lahat
Pero sa bawat kabiguan
Hindi ko magawang hindi masaktan
Patawad.
Patawad sa mga taong sa aki'y nagtiwala
Salamat ngunit patawad
Sapagkat kayo'y aking nabibigo
Patawad aking sarili
Sapagkat sa pagkakataong ito
Ako'y iiyak at magiging mahina
Ngunit ako'y nangangako na ako'y babangon at lalaban muli
Kaya akin muling itatanong
Maaari bang lumuha?
Sapagkat mahirap ngumiti
Nang may itinatagong sakit
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
