Libro

46 4 0
                                    

Noon pa man, ninais ko ng magkaroon ng isang libro
Libro na ako ang may akda
Libro na gustong maibahagi sa iba
Libro na nagmula sa puso ko

Ang pagsulat. Ang pagsulat ang aking daan upang mailabas ang nasa puso ko
Ito ang aking instrumento kapag napuno na ng mga salita ang utak ko
Mga salitang bumubuo ng pangungusap
Mga pangungusap na bumubuo ng kwento.

Kwento. Saan nga ba ako magsisimula?
Doon ba sa nagtagpo tayong dalawa?
Sa bahagi bang naguho mo ang mga pader na nakapalibot sa'kin?
O sa parteng akala ko may TAYO hanggang dulo?

Dulo. Teka. Bakit nasa dulo na tayo?
Hindi ba hindi pa nagsisimula ang kwento?
Pero bakit nakararamdam na ako ng takot?
Takot na baka wala ka na sa dulo ng aking libro- librong naglalaman ng ating istorya

Ang pagsulat na siguro ang pinakakaibigan ko.
Pero bakit parang iniwan ako nito?
Bakit wala akong maisulat sa puting papel na nasa mesang nasa harapan ko?
Bakit hindi ko magawang simulan ang aking libro- ang ating kwento?

Nakatingin sa kawalan
Nababahala na baka kapag sinimulan
Na baka kapag nagsimula ang ating kwento
Marating agad natin ang dulo

Ang dulo na kung saan ako na lang ang naiwan
Ang dulo kung saan ako na lang ang tauhan
At ikaw na siyang kasama sa kwentong sinimulan
Ay tuluyan na kong iniwan

Oo. Natatakot ako
Natatakot akong simulan ang kwentong ito
Dahil ayokong marating at mabasa
Ang walang kasiguraduhan at nakakatakot na wakas - ng libro nating dalawa

Kaya ngayon, ninanais kong bigyan mo ako ng dahilan
Upang sa kwentong ito ika'y samahan
Sapagkat kung sa dulo ikaw rin ay maglalaho
Pakiusap, ngayon pa lang wag na nating lagyan ng unang kabanata ang ating libro

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon