Mundo ko ay gumuguho
Sa aking isipang bumubuo
Ng sariling kwento't lungkot
Na sa puso'y nagpapabagot
Lamig ay sumisisid
Sa bawat kaibuturan ng panaginip
Nobelang walang patutunguhan
Mga salitang nakasulat ay hindi maintindihan
Balahibo ay nagsisipagtaasan
Pintig ng sentido ay nagpaparamdam
Bawat ugat ay tila namamanhid
Paghinga ay tila ipinagkakait
Yelo't apoy ay nagtatagisan
Sa puso kong tila manhid na sa pakiramdam
Kaya ngayon daliri ko ay nagtitipa
Ng mga sugat na hindi mainda
Sa gilid ng isipan, alam ko'y nasasaktan
Pero mga mata ko ay tila wala nang pakialam
Luha ay nagagawa na nga yatang pigilan
Sa pag-agos na noon ay walang humpay
BINABASA MO ANG
Deep Well of Thoughts and Feelings
PoetrySilent tears, muffled sobs and their hidden words
