hindi pala lahat

28 1 0
                                        

Humahapdi ang mga sugat
Ito'y unti-unting kumikirot
Akala ko ay humilom na
Kaso hindi pa pala

Ilang beses na nga ba akong nadapa
Dahil sa malubak na kalsada
Sa mga batong nakaharang sa daanan
Na hindi ko namalayang doon pala ay naroroon

Nanghihina na ang puso't isip ko
May pinaglalaban pa ba ako
Tinatanong ko na nga ang sarili ko
Kailangan ko na nga bang sumuko

Ilang beses ko na nga bang nilunok
Ang mga balitang masakit
Kaya ngayon ang lalamunan ko
Ay sumasakit na sa bigat na dala nito

Ilang beses ko na bang pinanghawakan
Ang taling walang kasiguraduhan
Ang taling hindi ko naman alam
Kung mapurol ba o matibay

Sa pagdaan ng panahon
Nahanap ko ang kasagutan...
...Hindi pala lahat ng laban
Ay dapat pinaglalaban

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon