Aking mga Kaibigan

130 3 0
                                        

Tawanan,biruan,kwentuhan
Kailan kaya muling mararanasan?
Ating pagkakaibigan
Mawawala na ba ng tuluyan?

Away at tampuhan
Normal na sa atin
Ngunit bakit ngayon
Wala ng pansinan?

Mga ala-ala ng pinagsamahan
Mananatili sa aking puso't isipan
Kahit sa sarili'y nagtatanong
Hindi na ba kayang dagdagan?

Kung minsan ma'y magkakasama
Tila naman may namamagitang pagbabago
Sama ng loob at tampo
Sa mga sarili'y pilit tinatago

Ako'y umaasa
Ito ay ating masalba
Dahil aking mga kaibigan
Hindi ko kayang kayo ay mawala

Ako'y naniniwala
Tayo'y babalik sa dati
At ang samahang binuo
Magpapatuloy hanggang dulo

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon