nakasulat

30 1 0
                                    

Ikaw ang eksaktong dahilan
Kung bakit ako nagmahal
Ngunit ikaw rin ang rason
Kung bakit ako ay nasasaktan

Ngiti mo ang pinagmulan
Ng paghangang nasimulan
Lumipas man ang panahon
Pagtingin sa iyo'y hindi nabawasan

Dapat ko bang ihingi ng paumanhin
ang itinagong pagtingin
O dapat ba akong magpasalamat
na ito'y sa iyo, hindi ipinagtapat?

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko
Na sa iyo, ako ay lumayo
Pero ano pa ba ang magagawa ko
Puso mo ay tumitibok na sa ibang tao

Ako ay hindi para sa'yo
Ikaw ay hindi para sa tulad ko
Iyan ang nakasulat sa mga bituin
Na aking ngayon ay dapat tanggapin

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon