Gisingin

30 3 0
                                        

Maaari bang ako'y gisingin na
Ang puso ko'y hindi na kinakaya
Ang pagkalunod ng aking hininga
Mula sa mga alon na dala ng buhay

Buhusan ako ng tubig
Ang katawan ko'y yugyugin
Wala na akong pakialam
Nais ko lamang ay ang magising

Wala na akong iluluha
Pagod na ang aking mga mata
Ako ay gisingin na
Pakiusap, nais ko ng magpahinga

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon