Matamis na Kapalit

44 3 0
                                        

Lahat ng paghihirap
Tunay ngang may kapalit
Kapalit na iyong ipagpapasalamat
Anumang danasing pait

Bawat luhang sa mata'y tumulo
Pinunasan ng isang bunga
Luhang di na mabilang
Na ilan beses na nga bang nasilayan

Hindi maipaliwanang ang nadarama
Noong dumaranas ng sakit
Ngunit pinaghalu-halo ring damdamin
Noong narinig ang balitang kay tamis

Salamat pagsubok
Sa iyong aral na hatid
Salamat sapagkat ang aking sarili
Ay natutong lumaban dahil sa'yo

Salamat sa lahat ng tao,
Sa aking mga magulang
Na nagtiwala at naniwala
Kahit ang sarili'y hinang-hina

Salamat Diyos na dakila
Sa lakas at pagmamahal na ibinubuhos mo
Salamat sapagkat 'di ka nawala
Kahit ang tiwala ko sa lahat noon ay unti-unting naglalaho

Salamat, aking sarili
'pagkat 'di ka sumuko
Sa iyong paglalakbay
Na nagsisimula pa lamang

Salamat bungang kay tamis
Sapagkat ikaw ay aking iaalay
Sa Diyos at sa lahat ng tao
Na aking minamahal anuman ang danasin sa paglalakbay

Salamat bungang kay tamis
Sa pagpapatunay
Na ang lahat ng hirap
Ay may magandang ihahatid

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon