Pagtakas

53 4 0
                                    

Narito ang aking lapis.
Narito ang aking papel.
Nais kong magsulat.
Pero ang mga salita ko ay nawawala.

Bakit? Nasaan?
Bakit pati ito?
Wala na ba akong pag-asa?
Pag-asang sa realidad ay makatakas?

Nais ko lang ay ang makasulat.
Ng mga salitang hindi mailabas ng aking mga labi.
Nais ko lang ng may pagsasabihan.
Ng mga bigat ng loob na sa sarili'y unti-unting nagpapabagsak

Gusto kong sumigaw.
Gusto kong umiyak.
Pero walang makakarinig.
Walang makikinig.

Gusto kong tumakas
Tumakas sa madilim na realidad.
Pero baka sa pagtakas ko
Mas mawala pa ang liwanag.

Gusto ko nga bang umalis sa realidad?
Oo? Hindi? Ewan ko.
Di ko na alam
Ako'y naguguluhan

Gusto kong maging maayos ang lahat.
Ang lahat kung saan masaya
Masaya kung saan totoo
Totoo kung saan kaya ko

Oo. Alam ko na.  Tama.
Ayokong tumakas sa realidad.
Sapagkat ang ninanais lang ng puso ko
Ay ang madala ang masayang panaginip sa masaklap na realidad.






Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon