Kwento Natin

60 4 0
                                        

Nadaanan na siguro natin
Ang bawat bahagi ng isang kwento
Masaya, malungkot, masakit
At bawat bahagi sa gitna

Ano ang mangyayari bukas?
Walang kasiguraduhan
Bawat katanungan
Sagot ay 'di malaman

Ang daming bagyo
Bagyong dala'y hangin
Malakas na hangin
At tubig na sa ati'y naghihiwalay

Ngunit nais kong malaman mo
Na sa bawat bagyo
At bawat trahedya
Kasama mo ako

Saan man tayo dalhin ng kwento natin
Tandaan mo na ako ang alon
Alon na babalik at babalik sa'yo
Sa'yo na dalampasigan ko

--------------------------------------------------

    "Ako yung alon tapos kahit anong mangyari, kahit saan man mapunta yung alon na yun babalik at babalik pa rin ako sa'yo"
-Richard Faulkerson Jr to Nicomaine Dei Mendoza ❤





Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon