Heto na Naman

20 1 0
                                    

Nandito na naman tayo sa puntong bumabalik lahat ng sakit
Yung sakit na akala mo nalagpasan mo na
Yung kirot ng puso mo na para  kang pinapatay at nauubusan ng hininga...ganito ba talaga?

Nalulunod lang ba ako sa pagpapanggap na maayos na ang lahat?
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na tanggap ko na
Ilang beses ko ng sinabi na masaya na ako
Pero ngayon sinasampal ako ng katotohanang... niloloko ko lang pala ang sarili ko

Nadarama ko pa rin ang kamay na pumipiga sa puso ko
Nandito pa rin ang karayom na tumutusok dito
Pero wala ng pumapatak na luha mula sa aking mga mata
Dito ba'y dapat akong matuwa?

Oo, aaminin ko nasasaktan pa rin ako
At hindi ko alam kung paano iyon maglalaho
Ngunit isa lamang ang aking nasisiguro
Sa puntong iyon, ako'y malapit na

Hindi ko alam, ilang hakbang pa ang aking tatahakin
Ilang pagkirot pa ang aking titiisin
Hindi ko batid kung sa susunod na araw, buwan o baka umabot pa nga ng taon
Ngunit pinapangako ko, ako'y unti-unti ring makababangon

Deep Well of Thoughts and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon