SPECIAL CHAPTER - Clueless 4
(Last Part)Seah's POV
Siguro nahawaan ni The Flash ng ability si Mikang kase mga 5 minutes lang ang inabot nya para puntahan ako ngayon.
"Wow, bilis ah!" sabi ko sakanya.
"Naman! Haha. Nakakahiya naman paghintayin birthday girl ngayon noh! :D" medyo hinihingal pa nyang sagot.
"Wushu!!! ^___^ O'sya. San na ngayon punta naten?"
Imbes na sagutin ako, tumingin sa relo nya si Mikang. Saka biglang nanlaki yung mata nya.
"SHET! 4:15 NAAAAA?!?!?!?! ⊙_⊙"
"Oh? Ano naman? Maaga pa yan ah." sabi ko.
"Lagot na! Tara na Seah! Male-late na tayo!" sabay hatak nya saken.
Nag-alala naman ako sa suot kong converse. Puting-puti pa naman 'to. Mukhang mabibinyagan agad -_-
"MIKAAAANG!!!! >____<" sigaw ko sakanya habang hatak-hatak pa rin ako.
"Seah, bilis!"
"ALAM MO YUNG SLOW DOWN?! BAGALAN MO NAMAN PLEASE? ALAM MO YUNG BAGO SAPATOS KO TAPOS GRABE KA MAKAHILA SAKEN. KINAKALADKAD MO NA KO BEH! >_<" reklamo ko sakanya.
Huminto sya saglit sabay tingin sa sapatos ko.
"Oops. Sorry beh." nagpeace sign sya saka ngumiti ng wagas.
"PERO NAGMAMADALI TAYO. GUSTO MO BANG HILAHIN KITA O IPABITBIT NALANG KITA SA CHAPERONE KO? MAMILI KA." agad na dagdag nya.
"Chaperone?! *laughs* Baka meron?" nagulat nalang ako nang may bumitbit saken na parang sako ng bigas at mabilis akong napasok sa kotse.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari... Singbilis ang sasakyan na 'to nung umandar.
Seriously, feel ko sa langit agad punta ko sa bilis at akala ko hindi ko na maeenjoy ang perks of being 18.
Maya-maya pa, bumukas ang pinto ng kotse. Hinila ko ni Ate Steff pababa. Dumiretso kame sa isang room na puno ng make-up at dresses. Saka sumulpot ang sa tingin ko ay make-up artist at hairstylist at pinaupo ko sa chair kaharap ang isang salamin na may mga bulb ang paligid.
Hindi ko nagawang makapagreact sa mga nangyayari.
All throughout, lutang na ko.
Hanggang sa bumalik lang ako sa sarili ko nung akmang tatanggalin na ni Ate Yumi yung converse na suot ko at katabi nya ang 5-inches na silver heels na mukhang ipapasuot nya saken.
Kahit na naka-gown na ko, niyakap ko yung binti ko para matago yung paa ko.
"Seah? Akin na paa mo. Isuot mo na 'tong heels at magsisimula na yung party mo." sabi ni Ate Yumi.
Dineadma ko yung party na sinabi nya at mabilis na umiling-iling.
Without even thinking my words, eto nasagot ko sakanya.
"Ate waaaag.. Please. Bigay 'to ni Nate saken.. Ito nalang isusuot ko please? Hindi naman makikita kase mahaba 'tong gown ko. Ito nalang kase special 'to saken kase galing sakanya. Ito nalang kase kahit wala sya dito feel ko andito sya," I almost cried. Mabuti nalang pumayag sina Ate Yumi at Steff.
Maya-maya pa, may kumatok sa pinto.
Bumukas yun at...
Tumambad ang mukha nang magaling pero sweet kong kuya na sinisigurado ko sainyong walang katulad.
"Ready?" sabi nya na may ngiti sa mukha.
Yanna's POV
Nangyari nga ang nakasulat sa note ni Ranz. Sinundo ko nina Ully kasama sina Biboy at Clarence.
BINABASA MO ANG
Eat. Pray. LOVE Ranz
FanfictionPara makita ang CHICSER, sumugod kame ng mga kaibigan ko sa mall. Pero dahil yun sa pakay naming makilala ko ang mga Chicser na ito.. Okay na sana ang lahat ng mangyari ang di inaasahan. Aksidenteng natapunan ko ng iniinom kong shake ang isa sa mga...