Chapter 32

6.6K 84 21
                                    

A/N: Happy Friday, guys! May NAT review pa kame bukas. Sobrang busy kaya ngayon lang nakapag-update. Eto na po ang update :))

Dedicated to nanz14344

Hi po! Dinedicate ko 'tong chapter na 'to sayo kase nakita ko yung mga comments at votes mo sa mga chapters dito sa EPLR. Nakakatuwa nga yung iba eh. HAHA :D Kaya yun, dinedicate ko sayo. Dapat noon ko pa dindedicate 'to kaso aminado kong matagal ako mag-update ng mga kasunod na chapter. HAHA. So yun, BASA-BASA LANG ATEY! Try mo ring basahin yung "COLLIDE" uh :))


********************************************************************


Yanna's POV

Hindi naging maganda yung mood ko nitong weekends. Andito pa ren kase yung feeling nang pagkainis sa ginawa ni Ranz na pang-iindian eh. Parang wala tuloy akong kagana-ganang pumasok ngayon. Pero hinde, dapat GV na ko dahil Monday na Monday napaka-emotional ko. And besides, uso move-on. Haha. Kaya magmomove-on na sa nangyari nung Saturday. PERO syempre wala pa ding magaganap na pansinan mamaya between me and Ranz sakali mang makita ko sya o makita nya ko.

So eto, papasok na kong school kaya, smile Yanna! Cheer up it's Monday!  ^_____^

"Goodmorning, Yanna ^___^" sabi ni Manong Guard.

"Goodmorning din po, Manong ^____^" sabi ko naman.

"Ang aga mo ngayon ah. Nauna ka na sa mga kaibigan mong pumasok." -Manong

"Haha. Onga po eh. Monday po kase kaya inagahan ko. The earlier the better ^____^ " -ako

"Ahaha. Tama nga naman. Oh sige, pumasok ka na. Bale kanina may nauna na sayong pumasok pero mukhang antok na antok pa sya. Pinilit lang gumising ng maaga. Haha. Sige na iha, pasok na." muling ngumiti si Manong saka ko pumasok sa gate.

Habang naglalakad sa corridor, napansin ko ngang napaaga ng sobra ang pagpasok ko. Naalala ko tuloy nung 1st day of school. Yung ang aga-aga ng pasok ko tapos pagdating ko nun sa room...

Nakita kong natutulog si Ranz. Tapos nagising sya bigla nung napalakas yung boses ko then----

Teka nga. Bat ba inaalala ko pa yun? T___T

Di dapat pinag-aaksayahang i-flashback ang mga bagay na hindi naman mahalaga. Makapasok na nga ng room.

Nakapatay pa ang mga ilaw. Parang nung 1st day nga lang.

Tapos tahimik yung paligid. Parang nung 1st day nga lang.

Ang pinagkaibahan nga lang, wala dito si RANZ.

Eat. Pray. LOVE RanzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon