A/N: Updateeeeed! WOHOOOOO! :DD
********************
Yanna's POV
"OKAY! SINO NA SUSUNOD?!" sigaw ni Alex.
"Si Oliver naman!" sabi naman nina Biboy at pumayag ang lahat.
Natapos si Ranz sa kanta nya at umupo na.
"Nice one, bro." narinig kong sabi ni Cav.
"Sira ka talaga Owy. Pag ako nahalata.." napatingin si Ranz saken sa kalagitnaan ng sinasabi nya kay Owy.
Napaiwas naman ako agad ng tingin.
Medyo nakikita ko pa nga kung anong ginagawa nila dahil sa peripheral vision ko. Hinampas pa ni Ranz si Owy at Cav habang natatawa yung dalawa. Hindi ko na rin sila pinansin at tumingin nalang sa songbook hanggang sa makaramdam ako ng uhaw.
Tumayo ko at pumasok muna sa loob para uminom ng tubig.
Ranz's POV
Buti nalang tapos na yung kanta. Yayy! :D
"Nice one, bro." sabi saken ni Cav nung makalapit ako sa pwesto nila ni Owy.
"Sira ka talaga Owy. Pag ako nahalata.." sabay tingin ko kay Yanna.
LUH! Nakatingin din sya O__O
Di ko tuloy nadiretso yung sasabihin ko kay Owy. Umiwas naman agad ng tingin si Yanna.
"Aba pare. Mukhang nakahalata nga.." bulong nila saken pero pinaghahampas ko sila.
"Kita nyo! Sira ulo talaga kayo >.< " at hinampas ko pa sila ng hinampas habang tinatawanan lang nila ko.
"OKAY! OKAY! ATTENTION PLEASE! KAKANTA NA KO!" sabi ni Oliver sa mic.
"BOO! UMUPO KA NA! WALANG MAKIKINIG SAYO!" pang-aasar nina Ully.
Tawa kame ng tawa.
"WAHAHA! TARA GUYS KAIN NALANG TAYO! IWAN NATIN SI OLIVER DITO!" at kunwaring nagtayuan naman kaming lahat.
"HOY!" pinanlakihan kame ng mata ni Oliver at lalo kameng natawa.
Hanggang sa nagsimula nalang tumugtog yung kantang pinili nya.
"I kissed a girl and I like it.... I like it..."
Nahinto ko sa pagtawa ng agad na nagflashback sa isip ko yung time na nahalikan ko si Yanna O_O
Di ko tuloy napigilang tumakbo nalang sa loob ng bahay nina Yna para lang makaalis dito kung san ko naririnig yang "I Kissed a Girl" na yan -.-
Yanna's POV
Nagcr muna ko pagkapasok ko sa loob nina Yna. Saka ko kumuha ng tubig at kasalukuyang umiinom ngayon ng bigla kong marinig yung kinakanta ni Oliver.
"I kissed a girl and I like it.... I like it..."
"Pfffkkk!!!" as usual nasamid ako pagkarinig ko nyan. Pano kase... May naalala ko.
*cough*
*cough*
Bakit ba bigla-bigla nalang fluma-flashback yung scene na yun sa isip ko? >////<
"Sa dinami-dami naman talaga ng kanta oh! >.<" nakita kong papasok si Ranz at nagkakamot pa ng ulo. Base sa sinabi nya, mukhang di nya rin gusto yung kinakanta ni Oliver.
"Bakit ba kase yun yung pinili nya?" tanong ko agad at dun palang ako napansin ni Ranz.
"U-Uyy.. O_O Andito ka pala sa loob...?" -Ranz
BINABASA MO ANG
Eat. Pray. LOVE Ranz
FanfictionPara makita ang CHICSER, sumugod kame ng mga kaibigan ko sa mall. Pero dahil yun sa pakay naming makilala ko ang mga Chicser na ito.. Okay na sana ang lahat ng mangyari ang di inaasahan. Aksidenteng natapunan ko ng iniinom kong shake ang isa sa mga...