A/N: Hello :) Yun lang bye!
++++
Yanna's POV
"Yanna! Congrats! Ikaw highest sa exam ^__^ "
"Nice! Congrats!"
"Inspired yang si Yanna eh! Haha. Congrats!"
"Valedictorian na yan!"
Sinalubong ako nang mga classmates ko nang ganyan pagpasok ko nang classroom. Napapangiti nalang ako sa mga sinasabi nila kase feel ko worth it yung mga ginawa kong pag-aaral para sa final exam.
At dahil tapos na ang test, inaayos na nang teachers ang grades naming mga graduating at kasabay na rin ngayon ang paghahanda para sa Senior's Prom.
"Excited na ko sa prooooom! ^__^ " -Yna
"Ako rin! Sabi nila masquerade ball daw ang theme." -Alex
"OMG! Yan ang gusto kong theme noon pa man! Yeheeeeey ^__^ " -Steff
"Basta guys, alam na ah? Sabay-sabay tayong bumili nang dress. Okay?! ^_^ " -Yumi
"SUREEE!!!" sagot nung tatlo tapos ako ngumiti lang.
"Yanna?" sakin na nalipat yung tingin nilang lahat.
"Hmm?" sabi ko sabay ngiti nang konti.
"Parang ang lamya mo today. Any problem?" -Yna.
"Ano? Wala ah. Haha.. Excited lang din ako sa prom." sabay tipid na ngiti ulit.
"Really? Baka naman may problema ka lang talaga?" -Alex
"Wala ah! Kung may proproblemahin man ako, yung test yun. Eh kaso tapos na yun kaya wala na kong problema." sagot ko.
Tinignan ako nung apat. Parang may iniisip sila.
"Eh si Ranz?" -Yumi
Ugh noooo. Nanghina tuhod ko sa pangalan na yun. Kumuha ko nang chair saka umupo.
"Pansin namin di mo na sya kinakausap." -Steff
No comment.
Nakatingin lang ako sa sahig habang pinakikinggan sila.
"Oo nga. Tapos parang todo iwas ka pag nandyan sya." -Alex
No comment.
"Kinausap nya kame last time. Kinakamusta ka samen." -Yna
Biglang napaangat yung ulo ko at tumingin ako kay Yna.
"Yans, alam mo. Kinakawawa mo si Ranz." sabi ni Steff kaya naman sakanya na ko napatingin.
"Hindi naman sa gan--"
"Ganun yun, Yans. Iniiwasan mo yung tao nang walang malinaw na dahilan. Naaawa kame kay Ranz dahil sa ginagawa mo." sabi pa nya.
Natahimik ako.
"Mali yan, Yanna. Akala namin sasagutin mo na sya last week tapos biglang ganito nangyayari. Ano ba kase talagang problema?"sabi naman ni Alex.
Tahimik na naman ako. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanila yung nakita ko last time. Yung nagselos na ko nang sobra sobra.
"Hello there, Yanna? Are you listening??" sabi ni Steff.
"Huh?"
"Oh c'mon. We're sisters right? Problema nang isa, problema nating lahat. Dali naaaa. Speak up :| "
Tumingin na naman ako sa sahig. And then I took a deep breath.
Saka ko kinuwento yung nakita ko nun, yung naramdaman ko at saka ko hiningi yung tulong at advices nilang apat.
BINABASA MO ANG
Eat. Pray. LOVE Ranz
FanfictionPara makita ang CHICSER, sumugod kame ng mga kaibigan ko sa mall. Pero dahil yun sa pakay naming makilala ko ang mga Chicser na ito.. Okay na sana ang lahat ng mangyari ang di inaasahan. Aksidenteng natapunan ko ng iniinom kong shake ang isa sa mga...