Chapter 23

7.6K 89 15
                                    

A/N: Yay! 16k + reads na. Let's celebrate. Haha. KEEP READING ^____^

READ. CLICK VOTE. COMMENT

Dedicated to curlyhairedgirl

Thanks for the effort na magvote ate. Salamat din sa pagbabasa ng EPLR. Keep reading till the end :))

****************************************************************************

Yanna's POV

Lalong lumakas yung ulan sa mga sumunod na araw. Puro tuloy suspension of classes ang nangyari. Di na kami makapasok ng school dahil sa baha. Ang hirap na ngang isipin kung aaraw pa ba o hindi na eh.

Pero syempre, THINK POSITIVE lang :))

Aaraw din yan, tiwala lang.

Kaya naman after 3 days, UMARAW NA NGA :))

Good news din na humupa na yung baha sa kalsada. Kaya yun, back to school na ulit. May pasok naaaaaa! YAY! ^___^

*Sa school*

Pagpasok ko sa loob ng classroom, "inulan" agad ng kwentuhan yung buong room. Bawat classmate ko ay merong pinag-uusapan. Random ang mga topics nila pero lamang parin yung tungkol sa dumaang bagyo.

Nagkwentuhan sila ng mga kanya-kanyang experiences nung mga araw na suspended yung classes.

Yung isa kong classmate, binibida yung ginawa nyang pagswiswimming sa baha sa lugar nila.

Yung isa naman, narinig kong kinukwento sa iba pa naming classmate yung pagiging "superhero" nya. Eh sa nagligtas daw sya ng pusa na nastranded sa taas ng puno nung umuulan nang napakalakas.

Natatawa na nga lang ako sa mga toh eh. HAHAHA

At that point, napatigil din ako sa pagtawa nang makita kong bumukas yung pintuan at pumasok si Ranz.

Bigla rin akong may naalala.

Ngayon na nga pala...

Ngayong araw na nga pala.

Eto na yung araw na hinihintay naming tatlo nina Ma'am at Ranz.

Ngayon namin malalaman kung makakapasok na si Steff o hindi.

"Guys, alam nyo ba... Nagkalandslide daw dun sa Baguio tapos sumaktong sa kalsada tumambak yung mga lupa galing sa bundok..."

Parang nanlaki yung mga tenga ko nang marinig ko sina Jennifer at yung iba ko pang mga classamates na nag-uusap usap.

NAGKA-LANDSLIDE SA BAGUIO?!!! O____O

Lumapit ako sa kanila.

"Jennifer, tama ba yung narinig kong pinag-uusapan nyo? Nagkalandslide sa Baguio?? " tanong ko sakanya.

Tumango naman sya.

"Oo, Yanna. Kahapon napanood ko sa balita. Napanood din nina Christine yun at ni Elmey. Diba, guys?" sabi ni Jennifer.

Tumango din sila.

"Diba nasa Baguio si Steff, Yanna?? Baka lalo syang matatagalan dun kase hindi pa daw nagagamit yung kalsada dun eh. " sabi ni Christine.

"Nasa gitna parin ng kalsada yung gumuhong lupa sabi sa balita." sabi ni Elmey.

"HUWEEEH?! Edi sino yung ipapartner ni Ma'am kay Ranz ngayon?!" biglang sabat ni Pam.

"Eh diba dapat ngayon na magsisimula yung practice para sa program??" sabi ni Chau.

"Ngayon?! O____O " sabi ko sa sobrang gulat.

Anung sinasabi nila na ngayon ang simula ng practice para dun sa program?! Bakit di ko yun alam?! SURE ba sila sa mga information na yan?? o.O

"Ay hinde, hinde. Baka sa Pasko siguro. Pero September ang program. Nauna yung presentation bago magpractice..." pambabara ni Abriel.

Napatingin ako ng seryoso sakanya kaya tumigil na sya.

"Oo nga, Yanna. Ngayon daw yung practice nina Ranz at Steff nang ipeperform nila para sa program. Eh ang kaso wala si Steff... Sino kaya ang papalit??" pagtataka ni Mariane at ng iba pa naming classmates.

O-OH...

Pakiramdam ko...

...tatawagin ako ni Ma' ----

"YANNA, RANZ! PINAPATAWAG KAYO NI MA'AM SA FACULTY." sigaw ni Keith.

Napatingin ako kay Ranz.

At tama ang inaasahan kong expression sa mukha nya...

NAKANGITI SYA.

******************************************************************

Papunta na kami ni Ranz sa faculty. Inuunahan ko sya maglakad para hindi kami magkasabay.

"Hey, Yanna. Slow down... Ang bilis mo namang maglakad parang wala kang kasama nyan." sabi nya sakin. Nasa likod ko na sya dahil sa sobrang bilis kong maglakad.

"YOKO..." sabi ko at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Ahh ganon??" sabi ni Ranz.

Kasalukuyan pala kaming nasa corridor at may iilang estudyante ang nandoon ng biglang-----

"GUYS. ALAM NYO BANG SI YANNA YUNG MAKAKAPARTNER KO SA----"

What the?!!!

"Raaaaaaaaaaaanz!!!! >.< "

Humarap ako sakanya at dali-daling tinakpan yung mga bibig nya.

"SHHH! Ano ka ba naman?!!! Ang ingay-ingay mo!!! Manahimik ka nga lang! >.< " -ako

Imbes na tumango sya sa sinabi ko nang sa gayon ay tatanggalin ko na yung pagkakatakip ko sa bibig nya, eh bigla namang sumingkit yung mga mata.

So ibig sabihin nun, nakangiti sya?? o.O

Aba naman Raaaaanz. Ayan ka na naman sa mga mapang-asar mong moves eh >.<

Inalis ko na yung kamay ko at lumakad nalang ulit.

"Uy Yanna, teka lang! Hahaha." -Ranz

Aba, talagang nagawa pa nyang tumawa sa lagay na 'toh. Diba nya alam na nakakainis yung ginawa nya?! >___<

"Alam mo, ang bilis mo lang talagang mapikon eh noh?? HAHAHA" -Ranz

"Hala, sige!!! Tumawa ka pa! Sisipain ko yang hita mo nang di ka na makasayaw! >.< " -ako

Napatigil tuloy sya sa pagtawa. Natakot sa sinabi ko :DD

"Minsan talaga ayaw na kitang kausapin eh..." sabi nya sabay kamot sa ulo.

"So? Edi wag mo kong kausapin..." -ako

Tumingin sya saken at:

"Sus, di ka naman mabiro. Para namang kaya kong gawin yun." sabay ngumiti sya.

Ewan ko ba kung iisipin kong totoo yung smile nyang yun o nang-aasar lang eh. Pero nevermind, pake ko ba kay Ranz.

"Baliw ka talaga, Ranz." sabi ko nalang at pumasok na kami sa faculty.

Pagpasok namin...

"Ma'am..." tinawag namin ni Ranz yung attention ni Ma'am na kasalukuyang nakikipag-usap sa isa pa naming teacher.

"Oh, Yanna. Ranz. Come here---" sabi nya samin.

"---nakausap ko na yung iba pang mga teachers and we have decided na ikaw na ang makakapartner ni Ranz, Yanna :)) " sabi ni Ma'am with a smiling face.

"So, pwede na kayong magsimula ni Ranz na magpractice. And as much as possible, gusto ko ring makita yung mga na-practice nyo at the end of the week." sabi pa ni Ma'am

Napatango nalang kami ni Ranz.

Tumingin din ako sakanya at nakita ang nakakaloko nyang ngiti.

And I'm sure...

May binabalak 'tong si Ranz.

Eat. Pray. LOVE RanzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon