Admiration

0 0 0
                                        

TORI'S POV

Noong mahimasmasan na kami, I told him everything that happened, at ang bago kong work. We both bitterly smiled and continued eating. I told him na wag na nyang isipin yun at nangyari na.

What matters is that we both have jobs and naka line padin naman sa course natin ang napuntahan ko.

But mas deserve mo yung position ko kaysa sa akin.

No, you deserve it too. Hindi porke nawalan ako ay nawalan ka na din. We're like one na, so parang hindi na rin yun nawala sa akin. Masaya akong nandyan ka at natupad ang pangarap mong maging FA. At isa pa, hindi pa naman dun yun nagtatapos. Malay natin diba, balang araw pag stable na ulit ang airline, mag hiring ulit sila, or sa ibang airline, overseas.

--

ICE'S POV

After ko malaman ang lahat, I really feel bad. Dapat ako yun. Mas mataas ang position nya sa akin, mas magaling sya at madami nang napatunayan,a lot of times, may mga recognition sya from some of the passengers, pero bakit sya ang pinaalis? Ano yung criteria nila para lang basta-basta syang pakawalan?

Kinabahan na ako noong hindi sya nagsabi sa akin kung saan siya ngayon. In denial pa ako nung sinabi sa akin ng circle of friends nya na

Hindi mo pa ba alam? Di ba close kayo?

Tinulungan ako ni Michael i-chat ang iba pa naming kasama, pero wala nga daw si Tori sa flight nila. Luckily, napaaga ang uwi namin at dumiretso agad ako sa kanya.

Sa una, hindi mo makikita ang lungkot sa mata nya, lagi nya akong sinasalubong ng masaya at makinang ang mga mata. Pero nung sinabi ko nang alam ko, lalong kuminang ang mga mata nya dahil sa mga luhang naipon na.

Naitago nya sa akin yun ng isang buong buwan. I literally have no clue. Ang galing nyang maglihim. She's always happy and laughing sa isang buong buwan na yun.

You don't know how much she loves being a cabin crew. Maybe iisipin ng iba, ang OA ko para damdamin yun. Of course boyfriend nya ako, we have the same dream, pero ako na lang ang naiwan. But tama rin naman sya, I know na babalik sya and she will not give up hanggang makabalik ulit.

--

Rest day ko bukas, ihahatid-sundo ko si Tori sa bago nyang work. Para alam ko na rin kung saan sya napasok. Nadagdagan ulit ang listahan ko how I admire her so much. Sinasabi nya sa akin how blessed she is sa new work nya, and parang binigay talaga ng langit sa kanya yun kasi hindi na sya nahirapan pang mag apply at kusa na lang lumapit sa kanya ang trabaho. Yes, it's a blessing for sure dahil nandyan lagi sa tabi nya ang good karma. Who would've thought na ang tinulungan nya before ang tumulong sa kanya ngayon? At hindi pa dyan nagtatapos, she's continuously sponsored products from Mrs. Medrano and she keeps on checking her at nangangamusta kahit noong madalang na lang sila magkita.

Sya nga pala babe, sabi ni Ma'am Kath (Mrs. Medrano) na invited tayo sa birthday nya 2 months later, para na rin daw makita natin ulit si Victoria. Binyag pa nung huling kita natin sa kanya, right?

May dinner celebration daw sa bahay nila, pero ang sabi daw sa kanya, mga lunch time pa lang pumunta na kami, para may bonding and play time kay Victoria kasi maaga natutulog ang bata.

--

Nakarating na kami sa travel agency. Medyo malaki din ang office nila, dalawang commercial space ang sakop nila, though hindi naman sila renting since sa ang owner ng building is ang friend ni Ms. Kath. Nakasalubong din namin kanina yung iba nyang katrabaho na magbibigay ng flyers sa nearby mall. Tagal ko ring hindi nakita si Ms. Kath, yan na daw ang itawag namin sa kanya kasi sa tagal na naming magkakilala bakit hindi pa daw pangalan nya ang itawag namin.

Speaking of Ms. Kath, nagtaka sya kung bakit magkasama kami.

Ehem, excuse me... Don't tell me...?

We smiled at nagets nya kaagad.

Buti naman at girlfriend mo na sya. Sasabihin ko sana noong binyag na bagay kayo eh, but I don't want to cause awkward scene. Kelan pa kayo?

Sinabi namin kung kailan. Pero pinutol na rin namin ang usapan dahil malapit na mag open ang agency. Nagpaalam na ako nay Tori at umuwi. Pag uwi ko, nagpalit ako ng gym clothes, ang tagal ko na ring hindi nakakapag buhat.

I saw Darryl sa gym. Suki raw sya doon at madalas din nyang makita si Tori dito. I have a bad feeling na I don't get everytime na nakikita ko sya. Insecure? No. Jealous? Maybe. Madalas silang magkasama sa shift and yung mga colleagues namin inaasar silang dalawa. Maybe it's just me.

Nagkuwento din sya and nalaman ko na isa rin sya sa mga nawalan ng trabaho. But hopefully next week, pag tinawagan daw sya ng tita nya, mag start na din syang mag work. Hindi na nya sinabi kung saan but I said na buti na lang at magkakaroon na sya ng trabaho.

2 hrs lang ako doon at umuwi na. Nag luto ng lunch and bumalik ako sa office nila para dalhan sya ng baon, pag uwi ko nag linis ng bahay pati na din sa kanya. Actually, wala na ako masyadong lilinisan. Yung coffee mug na lang na naiwan nya sa sink yung hinugasan ko, and that's it. Bumalik na ako sa bahay at nagpahinga na, before 5 babalik ako ulit doon para naman sunduin sya.

Nalulungkot ako sa mga nangyari. Okay balikan ko lang ha? From her parents separation, di nakapag celebrate after graduation knowing that she's a cum laude, we left them and she chose to be all by herself and live alone, she got the job and career she dreamed of but yet pinagkait pa sa kanya. I can't imagine the pain na dala nya all these years. She's strong as an ox.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon