ZYLIE's POV
“Hello po tita! Opo! Opo!! Wala po kasi akong kasama dito sa bahay, eh medyo… medyo uhm…” kapit na kapit ako sa blouse ni Mikaela habang gumagawa siya ng paraan para ma-excuse ako sa pag-uwi sa bahay. Hindi ko na alam kung anong excuse pero kailangang kailangan dahil ayoko ng magdawit pa iba.
“Uhm tita medyo nakakahiya pero takot kasi ako sa multo kaya po… ano… please lang, kung pwede lang po sana di ko nap o pauwiin si Zylie ngayong gabi at sa mga sumusunod na araw kasi wala po akong kasama… Takot po ako sa multo ahuhuhuhu…”
Kinukurot lang din ako ni Mika habang kumukunot ang noo niya sa pekeng paliwanag sa mama ko. Bahala na kung maniwala sila o hindi. Hindi lang talaga pwede sa bahay. Sa harap nila mama at papa. Lalo na ni kuya. Di na talaga pwede.
“Yes! Thank you po talaga tita! Grabe nakakahiya po. Hwag niyo na lang po sanang ipagkakalat yung dahilan ko, kasi medyo nakakahiya eh.. Ahehehehe. Yehey! I love you tita! Thank you much much!” binaba na ni Mikaela ang landline tska ako kinurot ng marahan. Alam niya namang sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon kaya alam kong galit-galitan lang siya.
“Ang tanga-tanga mo! Inaapoy ka na ng lagnat di mo pa sinasabi sa mga magulang mo! Lakas pa ng loob mong pumunta sa bahay namin ng ikaw lang?!”
“Pasensya ka na Mika.”
“Oo na! Puro ka pasensya!” Wala na kasi akong ibang masabi eh. Siya na lang ang malalapitan ko sa mga panahong ganito.
“Pinagsinungaling mo pa ako! Buti na lang umalis talaga sila mommy! Pero the efff! Ano ba yung sinabi ko?! Ako?Takot sa multo! Di ko alam kung naniwala ba talaga yung nanay mo o nahiya na lang sa sobrang lame ng dahilan ko! Multo?! Mas kinikilabutan ako sa dahilan ko kesa sa mga aktwal na multo! Shiz!”
“Sorry.”
“Tama na ang sorry! Ilang araw na ba yang sugat mo at parang inaagnas na!?! Anak ka ng huweteng Zylie! Kadiri na yang sugat mo! Kung hindi sprain, sugat naman! Di ko alam kung malas ka ba o clumsy lang?! Saan ka ba nadapa at ganyan kagrabe yang sugat mo. Naimpeksyon ka na yata sa sobrang tagal mo yang pinabayaan! Ano bang naisip mong di mo sinabi sa pamilya mo na ganyan ka?” masahol pa siya sa magulang kung maka-sermon. Alalang-alala sa akin.
“Di pa naman ito inaagnas.”
“Halika na!” hinila niya ako. Gabing-gabi na pero eto naman yung dahilan ko kung bakit ako nagpunta kina Mika eh. Para pumunta sa ospital. Akala ko kasi magagamot ko yung sugat ko ng basta-basta lang. Eh mukhang inabot na ng impeksyon sa kawalan ng wastong first-aid kit sa bahay. Sa bahay din kasi nagpapanggap pa akong normal lang ang paglakad. Ayoko kasing makita nilang iika-ika ako sa paglakad dahil may malalaki akong sugat sa paa. Katatapos lang ng sprain ko tapos eto naman. Ayoko na silang magalala. Ayoko na rin magkwento kung anong mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Mga nangyari sa amin ni Silver. Napasulyap na naman tuloy ako sa phone ko.
Wala pa ring reply.
“Anong sabi ng Silver mo? Ikaw naman kasi! Ano ba yung pinaggagagawa mo? Parang kang desperadang ewan!?! Kakainis ka!” agit si Mika habang tumatawag ng taksi. Kahit siya naasar na rin sa akin. Kasalanan ko rin naman lahat eh. Kay Buknoy, kay Yanny, kay Bettina. Lalo na kay Silver. Nadamay pa bahay nila at pamilya niya. Wala na akong mukhang ihaharap. Ang gusto ko lang naman magreply siya. Pero wala, ilang araw na akong nagtetext. Mukhang ayaw niya talaga. Wala na ba talaga?
“Ano nang gagawin ko? Hm?”
“Malamang magso-sorry! Magsorry ka sa kanilang lahat. Hayaan mo na si Yanny, medyo kaartehan niya lang yun, kilala mo naman yun! Hindi niya naman pagaari si Silver eh! Maiintindihan ka rin nun kapag narealize niya na mas mahal ka niyang kaibigan niya kesa sa crush niya jusko.”
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...