Chapter Sixty Two- Shifts

532K 8.5K 1.6K
                                    

ZYLIE's POV

"MA?” dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Literal na sinilip ko lang si mama mula sa loob.

“Buksan mo ng maluwang ang pinto at nabibigatan na ako.” Sabi ni mama habang inilalapit yung tray ng pagkain sa maliit na awang ng pintuan.”

Lumingon muna ako sa kama. Kinakabahan kasi talaga ako. Kung pwede nga lang na paalisin na lang si mama ginawa ko na. Pero, paglingon ko, syempre… Wala akong makita. Patay kasi yung ilaw. Pinatay ni Silver kanina bago ako lumabas. Nung nagpapanic na ako lahat-lahat kanina. Halos sabunutan ko na nga yung sarili ko sa sobrang pagkapraning dahil di ko alam kung itutulak ko ba si Silver sa bintana, ipapasok sa cabinet o papapuntahin na naman sa CR. Pero kalmado lang na tumayo si Silver at pinatay ang ilaw. Tapos, di na nagsalita. Napatahimik na lang ako at napaisip na ‘Okay, so eto ang paraan para di kami mahuli? Ganito na yun?’

Pero siyempre naglakad (nagsaklay actually) na lang din ako sa pintuan na puno ng kaba kung maaninag ba na may isang bulto ng katawan ang kasama ko sa loob ng kwarto ko.

Jusko!!! Kinakabahan talaga ako. WAAAAH!

“Buksan mo naman yung ilaw anak. Pipilay-pilay ka na nga tapos pinapatay mo pa yung ilaw, paano kung madapa ka dito? Nasaan na ba yung switch??” bakas ang pagaalala na sabi ni mama.

“MA WAG!!! HWAG MO NANG BUKSAN!!! WAG POO!!!” napasigaw ako kasi naman, baka mabuksan nga ni mama yung ilaw, tapos makita niyang itinatago ko dito si Silver. Noooo. Hindi pwede!

“Aba’t bakit??? Kung makasigaw ka naman! Paano ko maipapatong itong pagkain mo kung mangangapa ako sa dilim? Hawakan mo na nga itong tray at ako na lang ang magbubukas ng ilaw.” Inilalapit sa akin ni mama yung tray.

“MAAA!! Wag na po!!! Nasisilaw ako eh!”

“Anong nasisilaw ang sinasabi mo? Eh kakain ka nga eh, paano kang makakakain ng nakapatay ang ilaw?”

“EH MAA!!! Hindi naman po ako kakain. Inaantok na po ako. Tska ang sakit na ng ulo ko. Matutulog na po ako eh!!! ” kabadong kabado na ako. Di ko alam kung convincing yung tono ng boses ko o halatang nagsisinungaling.

“Ha? G-ganun ba?” nalungkot naman daw yung boses ni mama. Parang naguilty naman ako na nageffort pa siyang ipagtabi ako ng pagkain mula sa dala ni kuya. Tapos ang tagal niya pang naghintay sa labas ng pintuan bago ko siya pagbuksan. Tapos ngayon sasabihin ko hindi ako nagugutom. Eh kung kanina ko pa naman sana sinabi yun eh di sana hindi na to tumagal-tagal pa. Eh sa ngayon ko lang kasi naisip dahil nagpapanic nga ako kanina.

“Ma…” eto ang hirap sa nagsisinungaling eh.

“Sige ibababa ko na lang ito… Pero ayos ka lang ba? Baka nialagnat ka dahil diyan sa pilay mo? Gusto mo bantayan k—”

“DI NA PO MAMA!!! Okay naman po ako masakit lang ulo tska inaantok!!”

“Bakit ka ba sigaw ng sigaw bata ka! Jusko! Gabing-gabi na…”

“Good night ma…”

“Sigurado ka ba? Baka naman gusto mong samahan kita dito at subuan kita?”

“HINDI NA PO!!!”

“Hmm… Bahala kang bata ka…” huling sabi ni mama bago siya naglakad palabas. Pinaka-nagpahugot lang ng kaba ko, eh yung narinig kong lumapat na yung pintuan dahil hindi ko masyadong makita dahil patay nga ang ilaw.

*click*

Di pa ako lubos na nakakabawi ng marinig kong magclick na naman yung lock ng pinto.

May naglock? Sinong naglock?

“S-silver! Silver ikaw ba yang nandiyan sa may pint--”

“Bakit?”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon