Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy

442K 8.4K 1.2K
                                    


Ang hirap

Salamat!

____________________________________________________________________________

BASA MUNA BAGO BOTO.

 

CHAPTER LVIII- ZYLIE

Hindi ko na namalayan. Hindi ko alam kung wala lang talaga akong lakas kaya nagkaganito o sadyang ginusto ko. Siguro parehas. Masyado akong mahina para itulak siya. At lalong ayaw ko din gawin dahil para siyang gamot sa nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko naman na siya yung gumawa ng lahat ng sama ng loob ko eh. Pero anong nangyayari ngayon? Para siyang mainit na kape sa isang tag-ulan. Warm

 

“Zy.”

Di ako sumagot. Yun na lang magagawa ko para iparamdam na galit ako. Na galit pa ako. Jusko naman. Sino naman ang mukhang gaga na papayag na bati na lang agad. Lalo pa’t ang dami-daming nangyari. May utang siya sa akin na madaming explanation. Yung mga araw na hindi niya ako kinausap. Yung tipong lahat na ng multo nagparamdam, siya na lang hindi. Isama pa yung mga sugat ko na kahit ako naman yung may kasalanan talaga eh gusto kong isisi sa kanya. Yung mga detalye ng tungkol kay Bettina. At lalo na kung paanong napasok si Cleo, yung ex niya.

“I’m sorry… I’m really sorry.” Yun lang yung paulit-ulit niyang sinsabi. At nasaan kami ngayon? Palagi kong nilalagay sa utak ko na maging conscious dahil unti-unti kong nalilimutan na nasa kama kami. Sa ospital. Nakahiga. Magkayakap.

>o<


Ang totoo, siya lang yung nakayakap. Nauwi kami sa ganito, matapos ang paulit-ulit na pagtulak ko sa kanya. Wala akong laban sa lakas niya nung niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi ko na rin alam kung bakit ako umiiyak, kung dahil ba sa galit na galit ako? O dahil miss na miss ko na yung ganito? Oh Diyos ko.

“Zy…” di ako ulit sumagot. Baka kasi manumbat na naman ako pag nagsalita ako at magtanong ng walang katapusan.

“Hmmm, nakatulog ka na ba?” maya-maya inilayo niya yung sarili niya sa’kin para tignan ako. Pumikit na lang talaga ako at nagpanggap na natutulog.

“Sorry.” Ayan na naman siya sa sorry niya. At ngayon gusto ko na namang magtanong ng tungkol kay Cleo. Pero hindi ko naman masabi dahil bukod sa nagpapanggap ako na tulog, eh hinawakan niya bigla yung pisngi ko.

Ughhh

 

Pinunasan niya lang pala yung mga luhang natira. Naku, parang gusto ko na naman tuloy umiyak. Ano na ba kasing nangyayari sa buhay ko? Ganito na lang ba?

Nagulat na lang ako ng…

*chu*

Hinalikan niya ako…

Then, unknowingly, I responded.

“Ano ba?!” Bigla akong natauhan. Galit nga ako ‘dba? At higit sa lahat, tulog ako! Natulak ko tuloy na naman siya. At katulad kanina, wala na namang epekto yun dahil wala naman akong lakas.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon