Chapter Thirty- Catgirl, my heroine

545K 8.7K 1.1K
                                    

BUKNOY's POV

Unang beses nung bata pa ako. Nagpapalipad kasi ako ng saranggola noon tapos nasabit sa puno kaya naman todo iyak ko. 

Nagulat na lang ako na may bata pala sa tabi ko. Gumagapang. In all fours.

“Meow meow! Pusa ako!”

Bigla kong pinahid yung luha ko noon. Gusto ko kasing matawa sa isang bata na nagpapanggap na pusa. Pusa ako. Ang kulit niya. 

"Pusa ka?"

“Meow! Bakit ka umiiyak taba?”

Natatandaan ko na taba pa talaga yung sinabi niya. Mataba ako nung bata. Tabogol nga tawag sa akin ng pamilya ko bago naging Buknoy at oo, napabayaan ako sa kusina.

“Kasi yung saranggola ko. Sumabit sa puno.” Sabi ko sa kanya habang tinuturo yung saranggola.

“Ahh! Yun lang ba? Sus! Hindi naman nakakaiyak yan eh!” nagpapanggap pa rin siyang pusa “Hayaan mo! Kaya yan ng pusa akyatin!”

Tapos nagulat na lang ako! Umakyat talaga siya. Di naman kataasan yung puno pag binabalikan ko ngayong malaki na kami. Pero dahil bata pa lang kami nun, sa tingin ko, ito na ang pinakamataas at pinaka delikadong puno noon.

“BATA MAGIINGAT KA!!"

"Pusa ako. Meow."

"AY PUSA PALA! PUSA!!! MAG-IINGAT KA PUSA, BAKA MAHULOG KA!” Sigaw ko sa kanya. Ambilis niya nga nakaakyat eh. Tapos nakita kong tinatanggal niya yung saranggola ko mula sa sanga. Kayang-kaya siya ng manipis na sanga dahil nga maliit pa talaga siya noon. 

“Ayan na! Meow!” sabi niya habang inihagis yung sarangola.

Grabe ang saya ko nun. Akala ko kasi hindi ko na makukuha yung saranggola. Kasi naman. Ang taba ko kaya hindi ako makakaakyat dun sa puno. Sigurado, mababali ang sanga.

Maya-maya may dumating.

“ZYLIE! NAPAKAKULIT MO?!! BUMABA KA NGA RIYAN!” Sumigaw ang babae. Nanay niya yata yun. Zylie pala yung pangalan niya.

Bigla akong nahiya, nagpatulong kasi ako sa kanya, tapos napagalitan. 

“Aray. Tama na po…” pinalo kasi siya sa pwet. Parang nefeel ko naman yung pagkakapalo. Kasi naman. Kung hindi dahil sa akin. Pati sa sarangola ko. Hindi siya mapapalo ng mama niya.

“Gusto mo bang mamatay ka! Alam mo bang delikado umaakyat-akyat sa puno?” naulinigan ko pa rin kahit medyo malayo na sila. Parang hinihila na kasi siya ng nanay niya pauwi.

“Di po agad-agad namamatay ang pusa!” sabi niya. "May siyam po akong buhay. Meow."

Natawa tuloy ako.

Simula noon. Lagi ko na siyang naalala. Nagulat na nga lang ako kasi… Schoolmate ko pala. Hindi naman siya nagbago. Ganun pa rin ang itsura niya. Si Zylie nadating pusa.

Kaya ayan. Hanggang ngayon. Zylie babes pa rin ang tawag ko sa kanya… Kasi. Para sa akin. Sya pa rin yung batang kumuha ng sarangola ko mula sa puno na yun.

May gusto ako kay Zylie. Obvious naman diba? Lahat na nga ng effort ng pagpapapansin ginawa ko na. Siguro nga hindi niya na natatandaan yung tungkol dun sa nangyari nung bata pa kami. Haha. Ayaw ko na din ipaalala eh. Ang taba ko kaya nun. Tska. Nakakahiya kasi, siya pa yung kumuha ng kite eh siya nga yung babae. Mas okay na magustuhan niya rin ako kahit hindi niya pa maalala agad yung sa saranggola.

Pero ngayon, hurt ako. Kasi naman! Sa lahat lahat nang nangyari sa buhay ko. Yung date namin ni Zylie ang pinakamaganda. OA na kung OA. Pero kasi. Hindi ako makapaniwala, na napapayag ko siya. Ang akala ko mas mataas pa ang porsyento na manalo kami sa looto kesa mapapayag ang isang pusa makipagdate.

Kaya nga kahit sa ice cream parlor lang kami pumunta, ibibigay ko lahat ng gusto niya. Nagipon ako hindi ba.

Pero nawala siya. Nawala sila ni Silver. Alam niyo ba yung feeling na naiwan ka? Yung akala mo naabot mo na yung gusto mo pero parang joketime lang pala? Kaya di niyo masisisi ang naguumapaw kong damdamin ngayong lunch!

Nung nakita ko si Zylie… sumigaw na agad ako.

“ZYLIE!!!!!”

Kahit nagtatawanan na naman yung mga tao okay lang. Minsan ko lang makita si Zylie dahil hindi naman kami parehas ng building. Dito lang talaga sa canteen.

“Bakit mo naman ako iniwan Zylie baby??!! Bakit paglabas ko ng CR wala ka na??” talagang nag-emote ako.

 Daming tao! Pero kailangan ko to. Habang may lakas ng loob pa ako.

“Naghilamos pa ako ng sobra. Nag-mouthwash pa nga ako eh!” eh kasi naman! Nag-mouthwash naman talaga ako. Kasi diba? Malay mo mauwi sa.... alam mo na... kiss yung date namin.

“Pero paglabas ko wala ka na… Naglilinis na sila… PATI IKAW WALA NA RIN!!”

Tinuro ko pati si Silver. Kasi naman! Anong ginagawa niya diba? Nandoon lang siya… Tapos… Paglabas ko wala na sila. Para akong mamamatay. Nanlamig ako lalo noon. Pumasok pa talaga ako sa CR ng girls! 

Pero wala daw talaga. 

Wala!!!!

Lalapitan ko sana siya pero... tumayo si Silver.

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon