Chapter Fifty One- Eros

545K 12.1K 1.8K
                                    

READ FIRST BEFORE YOU VOTE

Ibinalik ko lang po ng kaunti. SILVER point of view lang

CHAPTER XXXXIV-SILVER JEREMY TORRES

Peripheral vision.

Yung abilidad na makakita ka ng mga bagay sa paligid kahit hindi mo naman tinitignan. Yung kahit di mo tinititigan, alam mong nandoon sa paligid. Katulad ng pagtawid sa kalsada, di mo na kailangang paulit-uliting tumingin sa kaliwa at kanan dahil kahit papaano, malawak naman ang tingin mo.

Oo. Di ko alam na ilang beses kong gagamitin yun. Well, hindi naman sa hindi ko yun ginagamit. Pero ngayong gabi ng Christmas ball. Sinadya ko talaga siyang gamitin. Kasi kahit naasar ako kay Zylie, parang may nagsasabi sa akin ng:

‘Bantayan mo yan, baka may mangyaring masama sa kanya.’

“Let’s vote for each other?”nagulat ako at nawala sa malalim na pag-iisip at palihim na pagsulyap sa likuran ng minsang sabi ni Bettina na pinapatungkulan yung sa Prince and Princess ng Christmas ball.

“Yeah.” Sinagot ko siya ng nakangiti.

Lagi kong pinipilit ngumiti pag kaharap si Bettina. Feeling ko kasi ang laki ng kasalanan ko dahil dinawit ko siya sa problema ko ng walang kamalay-malay. Di ko lang alam kung nakakahalata siya, pero nao-awkward ako kapag proud na proud siya na niyaya ko siyang maging partner.

Sabi ng utak ko, ang ’user’ ko daw. Pero kung iisipin ko, iniwasan naman ni Zylie ang pagpapatungkol ko na siya na ang magiging partner ko sa unang Christmas ball namin. Kaya wala na rin akong magagawa kundi may yaya ng iba. At nagkataong nandoon si Bettina. Tatanungin niya lang pala sana ako tungkol sa pagsali sa sa interschool quiz bee na pinatutungkulan dati ni Nerd, yung inutusan ko dati para tawagin si Zy. Di pa pala ako nakakapagregister sa club at malapit na yung interschool quiz bee.

*

Naasar talaga ako sa kanya nitong mga nakaraang araw. Mahirap sa akin yung mga ginawa ko. Nadamay pa tuloy si Bettina sa mga daloy ng pangyayari. Pero mukhang ayos lang naman kay Zylie. Akala ko noong naiwan kaming dalawa sa may locker room, kakausapin niya na ako at sasabihing ipapaalam niya na sa kaibigan niya.

Pero hindi.

Ayaw niya talaga.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon