ZYLIE's POV
Wow. Just wow. Nagpupunasan ng di malaman kung Icing o ice cream.
Silver Jeremy and Cleo Reese.
Cleo.
Hindi ba't narinig ko lang yung pangalan niya mula sa bata dun sa Bus? Si Ate Cleo. So eto lang naman pala siya. Sweet. Squeezing all the sweetness from Silver Jeremy. Napakasweet gusto ko ng maumay. But I can't take my eyes off thwe screen. Pwede ng gawing pre-nuptial video ito ah. Just wow.
Smiling Silver. I've never seen him smiled like this. Paano ko naman makikita ang pagngiti niya? Eh kakakilala nga lang namin hindi ba? Nauna ko pa nga malaman kung nasaan ang bahay nila kesa sa mga pangalan ng mga kapatid niya eh. I knew it. Hindi nga pala kami talaga ganun magkakilala.
“Orange!” si Silver
“KUYA!"
Hindi ako lumingon. I am stoned. Napakaganda ng pinapanood ko na hindi ko maalis ang mata ko kahit ayaw ko na.
“Kuya, hindi ko naman sinasadya eh! Yun ang yung naku-”
“Get out.”
"This is my room, kuy-"
"Then those are my CDs, get out." namalayan ko na lang na pinatay ni Silver ang DVD player at wala na si Orange sa kwarto. Weird, I'm not feeling anything. Not sad, but not happy.
“Zy…” But there's one thing. Hindi ako makatingin kay Silver. Not the same way again. Sinusulyapan ko siya. I can see, namumutla pa rin siya. May sakit pa rin. Then I felt like I want to touch his forehead again, just to check. And felt something inside me. I want to care. Want. Kasi ayaw ko na talagang mag-worry sa kanya. Biglang ayaw ko na. Pero isang tingin lang, nag-aalala ako sa kalagayan niya. Conflicting feelings na naiipit ako sa gitna ng dibdib at ulo, at akala ko wala akong nararamdaman.
“U-uwi na ako."
"You can't listen to my sister. She's just a kid."
"I didn't listen. I watched."
"Yes and next time, don't touch these things without permission."
Anong sinasabi niya? So kasalanan ko? Kasi pakielamera ako ng gamit niya? Ano palang ginagawa ng mga gamit niya sa kwarto ng iba? Bakit wala ang mga photoalbums na ito sa baba.
Wala sa baba para hindi makita ng iba. Wala rin sa kwarto niya para hindi niya makita. Ayaw niyang itapon kaya nilalagay niya sa kwarto ng mga kapatid niya. Too important to be at the garage?
"Right. Kasalanan ko kasi lahat. Sorry talaga." I'm fighting this urge to cry. Gusto kong maging malakas sa harap niya. Bakit ako iiyak eh wala naman sa'kin to. Wala akong pakialam. Nakita ko lang naman yung DVD na yun. No big deal. Yes.
"I'll take you home."
"Wow. Take me home? Halos hindi ka na nga makalakad." I can tell he's sick as hell.
"At least I'll walk you to the front door."
Talagang pinapaalis niya na talaga ako. Kahit hindi niya ako maihatid, basta umalis na lang ako. Silver Jeremy Torres. Masyado kang magulo.
"Hindi na kailangan. I understand. I understand... all of this." kinuha ko yung uniform ko at nagpalit. Napilitan siyang tumalikod habang ginagawa ko yon. At naglakad na ako palabas ng kwarto ng kambal.
"What's your problem?" sunod niya sa akin.
The nerve. Nagtatanong pa?
"Wala d'ba? Meron bang problema?" nanggigigil ako.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...