Chapter Thirty Seven- Friends and Lovers

592K 10K 2.1K
                                    

ZYLIE's POV

“Zylie? Ikaw na ba yan?” Narinig kong tawag ni mama mula sa taas.

“Opo!!!" Sabi ko habang dumederetso sa kusina. Hindi ko alam kung bakit nagutom ako kahit madami na nga yung nakain kong Stick-O. Siguro dahil natagalan ako sa labas. Matagal ng wala ang sasakyan ni Silver, hindi na abot ng tanaw pero nakatingin pa rin ako. 

Nakakaadik. Nakakaadik siya.

Mabuti at may adobo pa sa garapon. Lumabas sina mama (courtesy of Silver) kaya walang pag-asang magluto ng tunay na ulam ngayon. Kung magrereklamo ako, baka pabilihin lang ako ng pancit canton sa labas para yun ang i-ulam.

“Nabili mo na ba yung project niyo?” sigaw na naman ni mama.

Project? Anong project?

Oo nga pala! Yun nga pala yung dahilan ko para makalabas lang kami ni Silver kanina. Para bumili ng gagamitin sa project. Ang problema. Wala namang project, wala akong pera, at wala akong nabili. Of course. Kaya mawawalan na rin ako ng buhay.

“ZYLIE?!”

“AH! OPO!" nagkunwari ako. Wag kang bababa mama. Wala akong dalang project.

Kaso, maya-maya naramdaman kong may bumababa ng hadan.

Wala na patay na ako. Nagre-ready na ako ng sasabihin eh. Sasabihin ko na lang na Stick-O ang project namin. Kahit anong may kinalaman dun dahil uuriratin na naman ako ni mama ng details. Jusko.

“Tara na’t mag-supper.” si kuya!

Si kuya lang pala ang bumaba ng hagdan. Gutom na rin siguro siya.

“Inintay mo ako kuya? Yee! Tara na po’t kumain!”

“Sige kumain na tayo ng supper.”

Supper. Anong meron sa word na supper. 

"Kain ng maigi kuya." dinamihan ko ang paglagay ng ulam sa plato ni kuya. Hindi ko alam kung kelan pa 'tong adobo na ito pero bilang hindi naman siya agad nasisira, kain lang.

“Napakasarap ng supper."

"Sarap ba?" nakakatawa si kuya. Kelan pa ba naluto ang adobong yun na binabaon-baon niya rin ng paunti-unti. Naisip ko tuloy, gaano katagal kaya pwedeng tumagal ang adobo bago masira?

"Supper."

“Favorite mo na yan kuya na word noh?"

“Hwag magsalita ng ngumunguya.”

"Sorry naman... Pero ano ba ang pagkakaiba ng dinner at supper? Meron ba?" Wala lang akong maitanong eh.

“Meron.”

“Weh? Ano bang pagkakaiba nun?”

“Sila mama, kumain sila sa labas. Yun ang dinner. Tayo, nagtyatyaga sa week-old adobo, nagsa-supper.”

“Huh? Di ko pa rin gets!"

“Slow.” Sagot niya.

Supper... Nagsa-supper. AH!

Suffer.  

Meh.

“Wahahahahahahahaha!”

“Wag ka tumawa ng sobra, madaming langaw, pumasok pa sa bibig mo.”

"Eh kasi, mas natawa ako na nageffort ka pa talagang banggit-banggitin ang supper para tanungin ko nuh?"

"Ewan ko sa'yo slow ka nga." 

"Nasaan ba sila mama? Bakit hindi sila nanonood ng favorite nilang drama? Pagod?"

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon