TERRENCE's POV
My second subject was quite bad. Fine mabilis ang pick-up nila dahil Pilot Section ng lahat ng Juniors. Pero nandun yung maangas na kapitbahay namin na si Silver. Enough to get into my nerves.
"Hi class ako nga pala ang papalit kay Miss Danica Lagros."
I saw dazzled looks. Hindi naman sa pagmamalaki, pero my mom never lied when she said I have the looks. Nakakasanay rin kapag may tumitingin pero kakaiba kapag sa klase.
"Ahh you call her ma'am Dina right? Ako nga pala si Terrence Sanchez. You can call me Sir Renz if you like."
*cough*
Hindi ko alam pero bakit umubo ang batang si Silver.
"May sakit ka ba? Gusto mo pumunta ka na lang ng clinic?"
Umiling lang ito. Nakakasar talaga. Tinatabla niya ba ako?
"Welcome sa Vander High School Sir!!!"
"Oo nga po sana po magustuhan niyo dito."
Mabuti na lang at accommodating ng ibang estudyante sa klase na ito. Hindi tulad nung Silver na yun na malakas ang hangin sa utak kasing lakas ng pabango niya.
"I want to know you all better. Can I ask for a self- introduction? Say your whole name, nickname, hobbies at kahit mga clubs na sinalihan niyo. You can also add anything na gusto niyong ishare sa class." Naging mas maganda na ang pagsasalita ko dahil bukod sa 2nd period na ito, wala na dito si Zylie na nagdudulot ng malaking distraction na parang nagkakaroon ako ng speech problems.
Syempre leveling off with the students muna. Nakakatuwa yung klase na to. Masyadong mataas ang energy. Tuwang-tuwa din sila sa akin. I feel so welcome.
Nung dumating na yung turn nung Silver, tumahimik yung buong klase.
"Silver Jeremy Torres." Sabi nito tapos hindi na ulit nagsalita.
Yun lang??? Wala na siyang masabi? HAH! Wala pala siya eh.
"Ahm... wala ka na bang ibang masabi?" sabi ko natatawa-tawa na ako kasi pangalan niya lang yung sinabi niya. At nakakatawa pa yung pangalan niya. Nyeh. Putol ba dila niya? "Yun lang ba? No speial hobbies? Talents?"
"I'm okay." umupo ito na parang tinatamad lang. O baka wala lang talagang masabi?
"I'd like to hear your hobbies Mr. Silver."
"Okay."
"Okay what?"
Captain ng basketball team. Delegate ng Archery squad. Chess Grand Master. Track and Field Varsity. Math Wizard ng month of June to November. Presidente ng Taekwondo Club, Entepreneur's Guild, Debate Society, at Advance Phyiscs Team. At miyembro ng swimming club. Nakalimutan ko na yung iba..."
Ang yabang! Sobrang yabang! Posible bang maging presidente siya ng limpak-limpak na clubs? Tapos captain pa siya ng basketball team? Parang sa swimming club lang yata siya mediocre ah! Kaya pala maangas tong batang to, feeling niya ang galing niya na.
"Ehem! Sige next na!"
Umupo na yung Silver. Medyo dreamy yung mukha nung ibang girls. Ang yabang kasi ipinagmalaki niya lahat ng kayabangan niya sa buhay. Magaling din yata ako sa swimming. Baka hindi siya masyadong magaling kaya miyembro lang siya.
Natapos ang klase naming na nakatingin lang si Silver sa bintana. Napakabastos talaga. Siya lang yata ang hindi nakikinig. Feeling niya ang galing niya na at hindi kailangang makinig? Oh baka mas gusto niyang guro si Ms Danica Lagros? Hindi kaya?
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...