Reyna ng Kamalasan (Part 1 and Part 2) is now PUBLISHED under Summit Media- Pop Fiction
Php 195 each | Taglish | Available in bookstores, newsstands, and convenience stores nationwide!ZYLIE's POV
Yung problema, ayaw bumukas ng pinto. Naka-lock? Trippings na naman ba ito?
Shoulders down.
Wala na... absent na ako sa second period. Eto yung rason kung bakit nagche-check ng attendance kada subject. Dahil sa mga tumatakas- cutting classes. At may mga oras na ganito eh, kapag tapos na magcheck ng attendance, locked na yung pinto. Locked out of life na kayong mga nagka-cutting classes. Sarado na ang tindahan, kumbaga. Balik ka na lang next period.
Pero hindi ko ineexpect na ganito. Locked at wala talaga silang reaksyon kahit gibain ko na yung pinto. Badtrip talaga. Badtrip na araw. Ang aga-aga pa lang, quotang-quota na ako.
Bakit ba inaabot ko ang mga ganitong kamalasan?
Magko-contemplate na sana ako at itatanong sa universe ang magic tanong na walang sagot~ WHY?! Nang may mangyari.
Biglang may humila sa akin sa braso. Bigla akong hinila ni Silver.
Luh. Si Silver na naman? Naiintindihan ko naman yung mga taong parang mushroom na bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan. Pero yung mga taong bigla-bigla na lang nanghihila? Hindi ko talaga maintindihan kahit maging square man ang mundo. Kasi bigla niya na lang akong hinawakan at halos kinaladkad papunta sa mga hagdan.
Nashock na lang din ako sa sarili ko kasi hindi ako maka-angil at nagpapahila naman ako. Hawak-hawak niya ang braso ko, which is a good thing, dahil kung hindi, baka kanina pa ako nadulas at putok na ang nguso ko ngayon. Marami kasing basang parte ang sahig pati ang hagdan gawa na rin ng ulan.
Wala ba siyang klase? Cutting classes ba kami? Bakit isasama niya pa ako?
"Uy teka san ba tayo pupunta? May klase pa kaya!?" nagawa ko ring magtanong matapos ang obstacle sa hagdan. "Bakit ako ang napili mong kasama sa pagka-cutting mo?" hindi ko namalayan na nai-voice out ko na yung huli kong naisip. Nakakahiya.
"Napili?" halos matawa siya habang tinatanong niya. It almost sounded like a snort. Ano ba naman kasi yung sinabi ko? Napiling kasama sa pagka-cutting?
Mabuti na lang hindi na siya nagtanong pa nung hindi ako sumagot. Hindi rin naman siya sumagot sa tinatanong ko eh at, ako ang unang nagtanong nuh.
Nasa baba na kami at napansin kong papunta kami sa auditiorium. Tska ko narealize ang mga pangyayari. Langya kaya pala walang nagbubukas sa akin sa taas kasi nandito sila lahat sa audi. Sa aming first unique na may first come first serve na auditorium.
At syempre... wala ng upuan. Nakita ko sina Mikaela at Alyanna pero mukhang wala ng bakanteng upuan sa tabi nila. No choice. Sa likod na likod na lang kami umupo. Kami. Weird gumamit ng pronoun na hindi mo naman talaga kilala yung taong sinasama mo sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romantik[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...