TERRENCE's POV
Renz?
Si mommy lang naman ang tumatawag sa akin nun. Hindi ko alam kung bakit naging Renz na lang bigla ang tawag nito sa akin simula ng bumalik ako ng Pilipinas. Akala ko magagalit siya sa akin, pero nagbago lang ang lahat, at hindi na namin pinagusapan ang mga nangyari. Nagiba lang ang pakikitungo niya sa akin, naging mas fond. At naging Renz ang Terrence na parang nagkaroon siya ng bagong anak.
I bought it. I adopted the Renz, even at school. Para na rin sa bagong buhay. What happened wasn't really traumatic. I actually saw through it, pero hindi ko lang siguro pinansin noong una. Ngayon... ako ang nangangapa para makabalik sa dati. Umaasang babalik yung dati.
Kababalik ko lang ng Pilipinas mula sa isang... pangyayari sa ibang bansa. Mabuti na lang malakas ang connection ni mommy kaya nakapasok ako ng school ni Zylie. Kung gusto kong bumalik sa dati, dapat lang akong magsimula sa kanya hindi ba? Kahit alam kong may maraming magiging problema. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na kaya... na si... hay... Hindi ko alam.
Pero tska ko na lang poproblemahin yun. Ang mahalaga, nasa Vander na ako.
"Renz, ready?" sabi ni momsy habang inaayos pa yung damit ko. Super protective pa rin nito despite me being an adult. I kind of understand.
"Yes ma, I'll go ahead."
Kinakabahan ako. Di ko kasi alam ang magiging reaction ni Zylie kapag nakita niya ako. I know first subject niya, magkikita na agad kami. I know she hated me. Probably hates me, still. Pero I came here to make it up to her. Though I don't exactly know how...
Maaga ako dumating ng school. Nakakahiya kasi parang 1st day ko at excited masyado.
"Hello Mr.... Mr Sanchez right? Renz Sanchez?" welcome sa akin ng isang faculty.
"Hello ma'am, good morning!" sabi ko dito sabay handshake. Hindi ko pa kasi kilala lahat ng teachers at members ng faculty sa Vander. Mabilisan lang akong nagpakilala sa iilan nung nakaraan.
Sa sobrang kaba ko. Pumunta muna ako sa may malapit na bintana for some fresh air kahit alam kong wala naman talagang ganito sa Pilipinas. Pero wala eh, kinakabahan lang tal
"uhmmmhhhphh... woo.." huminga ako ng malalim pero pagtingin ko sa baba. Nakita ko na siya. Hindi ko tuloy alam lalo kung nakakahinga ba talaga ako o mas lalong hindi.
First time ko siya makita ngayon after a few years. She's still the same... and she's grown so pretty. Lalo akong kinabahan. Baka hindi lang ang galit niya ang problema ko, baka meron na rin siyang iba... It's been years...
Nalulungkot ako. I left without a word, without an explanation. Paano ko kasi masasabi sa kanya ang dahilan eh ang mga pangarap ko... at ang... bakit kasi siya pa... bakit nagkaganun pa?
"Hoy kaasar naman to... Mika! Ibalik mo na yan!!" narinig kong sabi ni Zylie. Parang inaasar ito nila Mikaela. Hindi ko naman sila masisisi. Ang cute naman kasi asarin ni Zylie eh. Napapangiti tuloy ako mag-isa dito. Nakalimuta kong isa na rin pala akong guro sa highschool pero tumatawa ako na parang teenager.
Malalim ang iniisip ko kung pano ko ia-untangle ang lahat ng buhol na nagawa ko ng hindi sinasabi ang isang bagay na alam kong hindi nila magugustuhan. Hindi nila kailangang malaman dahil masasaktan sila. At baka magalit pa sila dito...
Hanggang sa naamoy ko yung pamilyar na pabango. Sabi ko na nga ba, nasa paligid lang yung kapit-bahay naming maangas. Ang lakas talaga ng pabango niya, Parang pinagyayabang ang pagiging mamahalin. Malakas na malakas pero hindi masakit sa ilong
"Hoy? Ano?!" singhal ko dito. Nakakaasar kasi lalapit-lapit. Siguro napahiya siya nung nalaman niyang teacher ang binangga niya.
Pero... nakita niya kaya na nakatingin ako kay Zylie? Pshh Eh ano naman, hindi naman siguro niya mahahalata na si Zylie ang tinitignan ko. At ano naman kung tinitignan ko si Zylie?
Lalapitan ko na sana ng... Aba't!!! Di ako pinansin bumaba lang siya na akala mo ang cool niyang tao. Napakayabang.
Tumingin ulit ako kay Zylie na napansing kong hindi pala makalakad ng maayos. May nangyari ba sa kanya?
"Good morning Mr. Sanchez." biglang nagsalita yung principal. Nasa likod ko lang pala siya."I hope you're comfortable moving around." Tumingin muna ako kay Zylie bago nagsalita ulit. "Ah yes, ma'am thank you.. um... for the warm welcome." sabi ko pero lumingon ulit ako kay Zy, posible kayang nakita rin ni ma'am kung kanino ako nakatingin in particular? Pero ang nakita ko sa baba eh yung maangas na Silver na nasa baba na at...
Papalapit ito kay Zylie?
"It's our pleasure to have you here at our school. Excellent records from your university plus over a year stay in University of British Columbia... I wonder wala ka bang balak tapusin ang graduate program mo?"
O...kay. Hindi ko alam na ang unang magtatanong tungkol dito ay ang principal.
"Um, siguro po... Next time."
"May I know why? I'd like to invite you for a cup of coffee in my office."
Gusto ko sanang tumanggi. Saying yes means a date with the principal? Nyeah. Pero anong sasabihin ko? Tumingin ulit ako kay Zylie at dun sa mayabang... Nakatingin sa akin si Silver mula sa baba... Anong ginagawa niya? Imposible malaman niya ang koneksyon ng bagay-bagay. Imposible.
"Mr. Sanchez?" nagulat ako nung muli niya akong batiin dahil akalimutan kong niyayaya nga pala ako ng principal sa office niya.
"A-ah! Sure madame, pleasure is all mine."
Di na ako tumingin kay Zylie. Bahala na kung anong mangyari mamaya sa klase.
Pumasok na kami sa principal's office at inip na inip ako habang kinakausap ni madam principal. Umoo na lang ako sa halos lahat ng tanong kahit yung iba naririnig ko lang at hindi ko talaga naiintindihan. Pagkatapos kasi nito ay alam kong magkikita na kami, pagkatapos din ng ilang taon, ni Zylie.
"So, I guess I'll see you around Mr. Sanchez!" Ito na yata ang pinakamagandang sinabi ni madam principal sa lahat ng pinaguusapan namin.
Lalabas na ako ng nagsalita ulit si madam. Gusto ko ng mapakamot. Wala na bang katapusan 'to?
"Yes ma'am?" sana hindi halata sa boses ko na inip na inip na ako. Baka mapatalsik ako dito ng maaga eh.
"You've mentioned you're good at swimming at may ilang units ka ng swimming nung undergrad at aquathlon varsity grad school?"
"Uhm yes ma'am bakit po?"
"This is... only... if you like. Si Mr. Carlos kasi... ang Senior Adviser ng Swimming Club ay malapit ng mag-Paternity leave..."
Paternity leave? Meron palang ganun?
"... and with your skills... kung gusto mo, if you want a practice and good use of our pool facilities, pwede kitang i-assign bilang junior instructor for the meantime. Busy rin si Mr. Carlos kaya walang masyadong activities ang swimming team lately."
"Ah... Pagiisipan ko po ma'am."
"Pagisipan mong mabuti. They have an orghouse and the pool is Olympic Size. May funds din na pwede niyong magamit. I assure you the offer is a steal!"
"Yes ma'am. Titignan ko."
"Pag-isipan mo." Narinig ko pa na sigaw ni madam habang lumalabas ako.
Hindi ko alam kung gusto ko na agad ng responsibilidad. Marami pa akong gagawin para makabangon. Hindi ko alam kung kaya kong humawak ng isang club kahit pa junior adviser lang.
Bumalik na lang ako sa desk at kinuha ang classlist pati ang lesson plan na ipinasa lang sa akin Miss Dina.
Matapos ang bell na nagpapahiwatig na simula na talaga ang first period, huminga ako ng malalim. Pinakamahirap na gawin ay yung itapak ang paa mo sa classroom kung saan nandun yung isa sa pinakaimportanteng tao na matagal mo nang hindi nakikita, at nakakausap.
Bonus na galit pa ito sa'yo...
*later*
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...