ZYLIE's POV
“Mahal kita. Mahal na mahal kita… Hindi ko man sinabi, pero ipinakita ko naman sa kanila.” Grabe yun. Hindi lang daw mahal. Kundi mahal na mahal? Pwedeng sumigaw? Pero naimpit lahat ng kilig ko sa katawan. Eh kasi naman, bumitiw siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng diretso sa mata.
Mas grabe. Madilim ng konti sa loob ng sasakyan at ang tanging ilaw lang eh yung ilaw na nanggagaling sa labas, mula sa ceiling ng parking lot ng ospital. At dahil tinted ang sasakyan ni Silver, mas lalong dim ang paligid ko.
Pero, kahit ganun pa man, kitang-kita ko pa rin yung itsura ni Silver. Yung mukha niyang napakalapit sa akin. Yung di ka na makapili kung mukha siyang anghel o kung mukha ba siyang prinsipe. Bigla akong napaisip. There's really something about guys with dark hair. Kaninang maayos na maayos ang buhok niya, super bagay sa kanya. Pero ngayong messy hair na siya, mas bumagay pa rin.
Oo, gwapo na siya, matalino, at cool. Lahat-lahat nasa kanya. Who say's life is fair?
Naputol yung pagmumuni-muni ko ng hinalikan niya ako. Marahas at kakaiba. Hindi ka tulad ng kaninang ginawa niya sa harap ng lahat na banayad lang. Ngayon, parang pinaparamdam niya na namiss niya rin ako. At dahil dun, lalo kong naramdaman na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang sigawan at sumbatan kung ano yung naramdaman ko nung mga nakaraang araw. Pero unti-unting nawawala yung mga hinanakit ko habang hinahalikan niya ako.
Kung malalaman lang ng mga magulang itong mga ginagawa ko ngayon baka habulin na nila ako ng itak. Pero kakaiba kasi itong si Silver. Kahit pa nga dati na hindi pa kami nagagawa niya na akong halikan ng ganun. Lalo pa ngayon na kami na…
Teka… Kami na nga ba talaga ulit?
“Oh God…” bulong niya ng maghiwalay kami saglit. Parang tumigil lang siya ng kaunti para huminga at muli akong hinalikan ulit.
“Silver! Wait” tinulak ko siya.
Tumigil naman siya at tumingin sa akin. “I’m sorr—” huminga siya. "Why?"
“TAYO NA BA ULIT?!” di ko na siya pinatapos. Gusto ko lang kasi maging malinaw. Para kasing nagbreak kami nung nakaraang araw. Nung iniwan niya akong halos mamatay na sa may locker room. Gusto ko ngayon malinaw na malinaw na talaga. Yung hindi yung nagki-kiss kami dito pero hindi pa pala official. Hindi ito pagiging maarte. Gusto ko lang mapanatag kahit papaano yung loob ko. Sa dami naman ng nangyari ngayong gabi eh.
“Silly.” Tapos ngumiti na parang mapangasar. And he's trying to kiss me again.
“ANO NGA?!” sabi ko na lang habang umuupo siya ng maayos. Magkaharap kami at nakangiti pa rin siya. Kahit ganun yung ngiti niya, para na akong mamatay. Minsan lang kasi siya ngumiti at kahit mapangasar pa yun, parang ayoko na siyang matapos tignan.
“Sino ba dapat sumagot niyan?” sabi niya habang hinahawakan yung labi niya. Nalagyan yata ng lipstick.
“Tayo na ulit ‘diba?? Girlfriend mo na ako ulit???!!! Hindi ba?!?!” Waaaah!! Mukhang ako yung nanliligaw! Mukha akong desperadang babae! Pero kasi… di ko siya maexpect na siya ulit ang magkoconfirm na kami na ulit. Dahil alam kong, ang dami-dami kong kasalanan na naging dahilan para masaktan kami parehas.
“Dati pa kita tinatanong niyan…” lumapit na naman siya at hinalikan ako sa gilid ng labi. Pinipigilan ko ang urge to kiss him back dahil gusto ko kaming maging official. He's such a tease.
“Wala na dapat na iba… Ako na lang. Wala dapat Bettina!!”
“Look Zy. Wala naman talagang iba…”Ang bango-bango talaga ng hininga niya at di ko maiwasang kiligin hindi lang dahil sa mga sinabi niya, kundi dahil na rin sa pagkakalapit ng mukha namin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...