Chapter Twenty Four- My Organ

539K 8.8K 737
                                    

SILVER's POV

Hindi naman talaga nakakaenjoy magturo. Lalo pa’t iniiwasan mo yung nasa harap mo. Iniiwasan kong mapatingin sa gawi ni Zylie… dahil naalala ko yung panaginip ko. Alam ko hindi totoo yun. Pero nakakadistract. Hindi ba't pumayag ako na kunin ang task na ito mula kay Bettina para gumawa ng iba. Para di ko na maisip yun nakakaasar kasi. Eh anong nangyari? Lalo pa akong napalapit.

Tinatamad na naman ako makakain. Iniisip ko yung mga susunod na ituturo. Bakit ba kasi lahat ng subjects kailangan ituro eh. Hindi naman lahat ng bagay alam ko. At kagabi ko lang nalaman na kailangan kong ituro itong mga ganitong bagay. 

“Wait wait mahal ko!!!” maya-maya narinig ko. Si Buknoy? Yung lalaking gumagawa ng eksena kaninang umaga. At may balak na namang gumawa ngayon kasama si Zylie!?

“Oo pero please payag ka na na…. na magdate tayo!!!”

Nakita kong sumulyap si Zylie sa akin. Tska sa buong paligid.

“Are you crazy?!?”

“Sige na pagbigyan mo lang ako! Isang date lang tapos hindi na kita masyado guguluhin. Konting gulo na lang!!! Please!!!! Zylie baby!!”

Tinignan na naman ako ni Zylie. Humihingi ba siya ng tulong? At anong gagawin ko? Anong mangyayari.  Kapag kailangan niya ng tulong, tska lang ako nandon?

Kapag kailangan lang ng tulong. Kapag hindi... I feel so dispensible. 

“Papayag na yan!! Papayag na yan!!!” Tumayo ako. I don't wanna hear this.

“Okay…”

What? Pumayag talaga siyang makipagdate dun? Matapos niyang iyakan yung Terrence na akala mo namatayan siya, ngayon makikipagdate na lang siya sa kahit sinong mag-aya? Parang ganun ba?

Mas lalo tuloy nakakabadtrip ang afternoon classes.  Binilin din kasi sa akin ng teacher ng English na lahat daw dapat ay magre-recite. May hawak pa akong recitation card na galing sa totoong English teacher. Of course, pangalawa kong natawag si Zylie.

“Carbonnel…” Parang wala siya sa wisyo. Kinailangan pang sikuhin siya nung katabi niya para malaman niyang tinatawag ko siya para magrecite.

“Po??” Binulungan pa siya ulit ng katabi niya. Si Zylie na parang hindi nakikinig. Simpleng magbibigay lang ng sentence na may kasamang infinitives ang kailangang gawin. Very elementary.

“Infinitives?” hindi talaga niya alam ang gagawin.

“To forms of the verbs. Can you answer or not?” iniisip na naman ba niya si Terrence. I know you're always truthful when you're under the influence of alcohol. It's like the truth serum. The subconscious. Kung hindi man yun ang nakakadistract sa kanya, baka yung date niya yung naiisip niya?

“Ahhm.. Ahmm..” Di siya talaga maakasagot.

“To sing... to dance... to play! Infinitives. Use that in a sentence as a subject or an object or a complement.

"To play... to play uhm... to play with ..."

"You may write your sentence on the board please?" I asked her.

Habang nakatingin ako sa recitation card at nagiisip kung anong ibibigay kong grade sa kanya, biglang may tumawa.

“Hahahahahahahahaha!”

“Wahahaha!”

Dumami pa ang tumatawa.

“Shocks haha.”

“Dumi ng utak niyo hoy!”

“Hala hahahahaha.”

Napatingin ako kay Zylie. May nangyari na naman bang masama sa kanya?

Pero siya din. Nagkakamot. Clueless sa mga nagtatawanan. Tumingin ulit ako sa mga estudyante. Hindi pala sila nakatingin kay Zylie kundi sa isinulat nito.

He loves to play my organ. 

 

 

“Anong organ ba yan?” may nagtanong pa.

“Hahahahaha! Playing her organ daw oh."

 "Can I play with your organ Miss?"

Tsktsktsk.

Lumapit ako sa board at binura ko ang mga salitang my organ.

“S-sorry.” Narinig kong bulong ni Zylie.

Maluha-luha na siya. Bakit naman kasi ganun yung sentence niya.

"Can you please change that?"  Naging double meaning pa kasi yung sentence na ginawa niya. Tsk.

“KEEP QUIET CLASS!” Ang hirap na patahimikin ng klase. Pinagttawanan talaga nila yung sentence na yun. Inabot-abot pa ng ilang minuto para  tumahimik silang lahat.

Si Zylie. Hiyang-hiya.  

Nung uwian. Naghihintay ako sa sasakyan ng walang dahilan. Napansin kong sinusundan si Zylie noong lalaki kanina. May date ba talaga sila?

Susundan ko ba? 

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon