ZYLIE's POV
Nung medyo makalayo na kami. Tska naman ako naguilty ng bonggang-bongga. Ano ba yung ginagawa ko ngayon? May sakit na nga yung tao ginanun ko pa diba? Tapos yung mga actions ko hindi naman rational. Naipit tuloy ako sa taong iniiwasan ko.
“Zy…”
I just really needed a way out. Wala akong pamasahe at kailangang kailangan lang talaga. Gusto kong i-justify sa sarili ko na ginawa ko lang yun out of desperation.
“Pwede mo na akong ibaba diyan. May… m-may dadaanan pa pala ako.” alam ko na kasi ang kalyeng ito. Hindi pwedeng magtagal ako dito.
“Absent ka kanina.”
"Oo nga po eh."
“Zylie… magusap na kasi tayo…”
“Eto na nga po eh. Naguusap na po tayo.”
Kainis! Para akong nakikipaglaro ng word games.
“No… Let’s talk about US.”
"US? Meron po bang us? Wala na pong ganun, sir."
"Then... what are you doing here? with me?!" nagagalit na ba siya? I understand him. Nakikisakay na nga lang ako dito. Inutusan ko na nga lang siyang ihatid ako sa bahay kahit nagga-garahe na siya ng sasakyan niya eh. Epal ko lang para kupalin siya?
"Zy, nagagalit ka lang. Natatakpan lang ng galit yung nararamdaman mo para sa'kin." sobrang sincere ng tunog ng pagsasalita niya. At yung mukha niya. Bakit ang gwapo niya kasi? Yan tuloy nabilog ako dati. Pero anong kahibangan ang sinasabi niya?
"Terrenc- sir. Hindi mo alam kung ganyan pa rin ang nasa utak ko. Hindi naman ikaw ako eh para magsabi na mahal pa rin kita."
"I asked your friends. I asked Mikaela. They told me. They told me wala pa rin naman. Wala ka pa ring bago."
HOW DARE THEM! AND I CALL THEM FRIENDS?! MAY MASASABUNUTAN YATA AKO BUKAS AH!
"W-what? Naniwala ka naman sa kanila?" Hindi nga pala nila alam si Silver. Though hindi ko alam ang sitwasyon namin nung lalaking yun ngayon, kahit papaano... gusto ko siya. Oo gusto ko talaga siya. Kaya nga ako nagagalit kanina diba? Nagseselos ako sa Ex-girlfriend niya. So ano 'to? Realization pala ng conflicting feelings ko kanina?
"I do. Sinabi nilang ako pa rin ang sinusulat mo sa diary mo. Ako pa rin Zylie. I am confident."
My God Friends. Even that?
"No. H-hindi... W-wala..." hindi ko alam ang sasabihin. Totoo naman lahat yun. Pero ang lahat ng yun nangyaro bago dumating si Silver sa buhay ko. "Hindi yan totoo. Kagagaling lang natin kay Silver hindi ba? Kalalabas ko lang sa bahay nila Silver. How can you be so confident?"
"No. I know you're just doing that para pagselosin ako." natatawa-tawa siya. "I asked your friends about your relationship with Silver."
WHAT?! SHIT! Wala silang alam.
"They said imposibleng maging kayo. See. Even your friends know."
What is happening.
"Susuko na sana ako kapag nalaman kong mahal niyo ang isa't-isa. Na mahal mo siya. At mas mahal ka niya. But Zylie tell me, mahal ka ba ng lalaking yun?"
Sobrang labo na ng utak ko. Hindi ko na alam yung nangyayari. Mahal ba ako ni Silver? Mahal ko ba siya? Sa kabila ng nangyari kanina? Paano ko pa masasabi yung tungkol sa pagmamahal eh hindi nga namin kilala ni Silver ang isa't-isa?
Naramdaman ko na lang na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
"Sunduin kita bukas."
Hindi ko alam kung paano pa ako nakapasok sa loob ng bahay. Pero alam ko hindi ko na sinagot si Terrence. Sana wag niya na lang akong sunduin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...