SILVER's POV
Here's what happened.
I'm in my last bit of sanity.
Wala akong maisip na gawin. Dapat talaga manonood ako ng movie dahil kanina pa ako nababadtrip sa di malamang dahilan.
And that bothers me. I can't really pinpoint why I feel bad. Is it because I'm guilty?
Wala naman kasi akong ginawang mali kaya kanina ko pa sinsabihan ang sarili ko na hwag mag-alala. Kaya ang ginawa ko. Bumili na agad ako ng movie ticket, dalawa. Pang last full show sana. Yayayain ko si Zylie. Kaso after nun, nagsisi ako. Last full show? Sinong papayag sa last full show na movie ah sobrang gabi na matatapos nun? Buti sana kung yung medyo mas maaga-aga na lang yung binili ko. Wrong move.
Pero pumunta pa rin ako sa kanila. Pagdating ko, wala pa pa siya. Siguro nagaalay-lakad pa.At hindi ko alam kung anong naisip ko at… inalok ko sa mga magulang niya yung ticket.
Masyado silang natuwa. Narinig kong matagal na nilang gustong panoorin yung movie na napili ko, ang kaso, malayo daw sa priority ang pagbili ng ticket. At ang totoo, masyado daw out of way ang sinehan simula dito sa neighborhood nila Zylie. Muntik na nga nitong tanggihan eh.
Medyo nalungkot ang mukha ni tita habang isinosoli ang ticket. Naalala ko tuloy kapag malungkot ang mukha ni Zylie.
"Gusto namin sana, kaso apat na sakay pa dahil alam mo naman dito sa amin, hindi masyado dumadaan mga sasakyan. Kailangan pang magtricycle, tapos jeep papuntang rotonda, at dalawang--"
“Pwede niyo pong hiramin yung nakaparada diyan sa labas..."
"Yung sasakyan mo hijo?"
Ipinakita ko ang susi. At hindi nila alam kung maniniwala sila kung totoong ipinapahiram ko ba talaga sa kanila yung sasakyan ko. Bakit naman hindi? Itatanong ko sana kung hindi ba sila marunong magmaneho pero agad naman ng kinuha ng papa ni Zylie ang susi at naisip ko, marunong naman siguro. Imposibleng hindi marunong.
Pero narinig kong gustong-gusto na daw mula magdrive ng papa ni Zy. Kaya ilang minuto rin ay nakahanda na sila para umalis.
Parang palitan ang nangyari. Ipinagkatiwala ko sa kanila ang kotse, at hindi na sila nagalinlangang ipagkatiwala ang bahay.
Sigurado ba sila dito? Pero tumawag naman sila muna kay Zeus at nagsabing pauwi na ito. Naulinigan ko pa nga na sinasabing wala naman daw mawawala sa bahay nila, at nakakahiyang paghintayin ako sa labas.
Mabilis naman ang mga pangyayari. Nakaalis na rin sila... Hanggang sa naramdaman ko na lang na nandyan na si Zylie.
Alam niyo ba yung salitang gigil? Our class once argued about its English translation. Ano nga ba ito sa Ingles? Is it just a very Pinoy thing? Just as how indescribable it is, ganun din yung nararamdaman ko kapag nakikita ko si Zylie. Isa siyang monay. Hindi lang siya basta-basta pancake. O siopao.
Kapag nakakakita ako ng bilog, kahit na anong bilog, siya agad ang naalala ko. Isa kasi siyang naglalakad na bilog.
At kapag nakikita ko siya, tulad ngayon. Gigil na gigil ako. I'm starting to ask myself, Am I human? Bakit kasi sobra-sobra yung gigil that I ended up kissing her neck. At habang tintulak niya ako, kita ko naman yung mukha niya eh. Hindi naman siya naiirita.
I've seen through it. I can't help but smile. I knew it.
“Pag di mo sinabi, hahalikan kita…” I just wanted her to talk.
Maybe... just maybe I'm just kidding around. But like any other jokes, it was half-meant. Hindi naman mahirap gawin yung babala ko sa kanya. Hindi ba't nagawa ko na yun in several public places? What could prevent me now that we're alone, together?
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...