Chapter Seventy Eight- Outset

487K 8.7K 2.7K
                                    

RNKFinale

ZYLIE's POV

Hindi ko alam kung may naniniwala ba sa'kin. Siguro nga wala.

Baliktad ang utak niyan.

Kung kelan nandiyan na, tska pa papakawalan.

Baliw.

Ganyan naman yung mga bulong-bulungan sa buong campus. Hindi ko alam kung paano kumalat ang balita sa hindi natuloy na pagpapakamatay ko. May pakpak nga naman ang balita at may tenga ang lupa.

"Zylie. 2 months na... H-hindi pa rin ba okay?" nangingiming sabi ni Mikaela. Kahit kailan talaga, siya yung mature sa'ming tatlo ni Yanny. Siguro dahil na rin sa siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at naatasan ng makabuluhang bagay, o dahil na rin sa palagi niyang kasama si kuya Jupiter na parang nakalunok na yata ng Abnormal Psych book. "Tignan mo siya. Tignan mo kasi."

Si Silver, kalubong namin. Katulad ng dati titignan niya ako, minsan sa tingin ko gugustuhin niyang lumapit. Pero ako yung magiiwas ng tingin at magiiba ng diresksyon.

"Hindi ko alam Mika eh..." sabi ko nung makalampas na siya. Tapos unti-unti ko na naman nararamdaman na nagtutubig yung mata ko.

"Tsk tsk tsk! Tignan mo ayan na naman! Iiyak na naman! Eh kung mag-usap ulit kayo?" Kinapa ni Mikaela yung bulsa ko at kinuha ang nakatagong panyo. Nakakahiya na siya pa mismo yung nagpunas nung mga mata ko.

"H-hindi ko alam..." wala akong masabi kundi ganun na lang.

Dalawang bwan na nung huli kaming nag-usap. Nung oras na pinapagtapat niya na lahat ng nararamdaman niya. Nung oras na nakakahiyang gusto kong kunin yung buhay ko dahil lang sa mga problema. Dahil sa kanila. Dahil sa kanya.

Ayoko na... Ayoko na muna...

Sabi ko sa kanya pagtapos ng lahat. Hindi dahil ayaw kong tanggapin yung sorry niya, yung pagpapaliwanag niya. Pero hindi ko pa kasi kaya na lumabas sa ospital na yun na sila na naman ulit yung kasama ko. Na babalik na lang ako kay Silver ng ganun-ganun na lang na parang hindi naman sobrang sakit nung nararamdaman ko. Kaya nga ganun. Sabi nila, maarte.

"Pero Zylie, ikaw naman ngayon yung magulo eh. Kung ayaw mo na sa kanya, sabihin mo." Nakalabas na kami ng school at maghihiwalay na naman kami ni Mikaela. Si Alyanna, absent na naman kasi.

"Hayaan mo siya!" biglang nasa likod na naman namin si kuya Jupiter. "Siya yung lalaki, siya yung manligaw."

"Nandiyan ka na pala!" hinawakan ni Mika yung nakaextend na kamay ni kuya Jupiter. Bakit sila nakakainggit? "Anong panliligaw pinagsasasabi mo? Eh gusto na nga nila yung isa't-isa! Mahal na nga nila eh! Ligaw-ligaw pa?"

"T-tsaka hindi yun marunong." Sobrang awkward sabihin yung mga ganung bagay. Pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, natuto na akong mag-open kay Mika, lalo na kay kuya Jupiter para makarinig ng mga words of wisdowm.

"Hindi siya marunong manligaw?! Eh pano naging kayo!?"

"Wag ka nga! Basta naging sila!"

Minsan kahit parang alam na alam na ng boyfriend niya ang lahat, ineexplain pa rin ni Mika. Hindi nga madetalye ang mga lalaki. Kinakalimutan ang mga bagay na hindi importante. Naalala ko na naman si Silver.

"Weird niyo kasi." Comment ni kuya Jupiter sa relasyon namin.

Alam ko.

"Hay nako Zylie. Hihintayin mo ba yung time na hindi ka na titignan ni Silver kapag nagkasalubong kayo?"

Iisipin ko pa lang, naiiyak na ako.

"Hindi ko kasi alam gagawin ko eh. Ang gulo."

"Alam ko." Ani kuya Jupiter na parang may explanation naman siya sa lahat. "Ayaw mo lang siyang patawarin unceremoniously. Na hindi sapat yung mga sinabi niya para maniwala ka?"

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon