SILVER's POV
“...Don’t you still love me Terrence?”
Terrence? Kamukha ko ba si Terrence? Jesus.
"Zylie hindi ako si Terrence!” gusto kong magsorry kasi palagi ko na lang siyang napapagsamantalahan. Pero anong sinasabi niya. Nakakagalit.
Pero hindi niya yata ako pinakikinggan. Yumakap pa siya, siya naman yung humalik ngayon.
“ZYLIE GET BACK TO YOUR SENSES!!!” tingin niya ba talaga ako si Terrence? And she's giving herself to me like this? Hindi naman yata tama ito.
“Napakasama mo talaga! Matapos mo akong iwan! Matapos kang magpakasal! Hindi mo ba alam na ang sama sama mo boy! Ang sama-sama mo!!!”
Suddenly, I wanted to strangle somebody.
“Halika na nga!!” sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang tumayo. Pinipigilan kong maging harsh. Lasing din siya. Sino ba naman ang lumalaklak ng beer. At bakit ba kasi may beer dito.
“Halikan na?! Wahahaha! Halikan?!!” lame joke. Pero hwag niya akong binibiro ng ganyan “Aray… wait wait…” sabi niya habang hinihila ko siya. Kinuha niya pa talaga yung isang beer at tumunga na naman.
“What are you doing?!"
"Umiino--" Nagulat siya. Kinuha ko kasi yung hawak niyang baso at binasag ko yun.
“Wala na… wala na yung baso… binasag mo… parang puso ko binasag mo rin. Hayyy!!” parang napapaiyak pa siya.
WHAT?! Sorry pero nakakaasar na 'to. Binuhat ko na talaga si Zylie. I settled the bill. Pinaalam ko ang nabasag na bote at binayaran ko yun. Mabuti na lang at magaan si Zylie kaya madali lang siyang dalhin kung saan-saan. Wala namang tanong ang tao sa KTV at hindi naman kami tinanong kung anong ginagawa namin, mga menor de edad at naglalasing. Napakaluwag ng batas dito ah. Ganito ba sa neighborhood nila Zylie.
Pagdating namin sa sasakyan tulog na yata si Zylie. Inihiga ko siya sa backseat. Nagmistula na talaga akong driver. Nagpahinga muna ako at kumuha ng kape sa convenience store para mahimasmasan. Napadami rin ang inom ko eh.
Pagdating namin sa bahay nila, nakaabang na yung tatay niya sa labas. Hating-gabi na pala at malamang sa malamang nagaalala na ito bilang ama. Napailing na lang ako. Nahihiya sana akong ilabas siya pero kung tatagalan ko pa ang pagaantay dito, malalagot pa rin ako.
Binuhat ko palabas si Zylie. Nakito kong tumakbo papalapit sa akin yung papa niya ng marecognize na ito ang anak niya.
“Anong nangyari?!?” tanong nito sa akin. “Ma!! Ma!! Nandito na si Zylie.” Sigaw pa nito sa loob ng bahay. "Anong nangyari sa anak ko?!"
“Ipapasok ko na po siya muna sa loob ng bahay.” kung magpapaliwanag man ako, isang paliwanagan na lang kasama ang mama niya.
Diretso ko nang inakyat si Zylie sa itaas nila. Tutal naman alam ko na kung nasaan ang kwarto niya dahil binuhat ko na rin naman siya papaakyat nung nasprain siya. Nagsalita pa si Zylie habang maingat ko siyang ibinababa sa kama pero di ko yun naintindihan. Pagsara ko ng pintuan ng kwarto niya bumaba na agad ako.
And as expected, Nakaabang sa akin ang mga magulang niya. Sino ba naman ang magulang na magiging kalmado na iniuwi sa ganung ayos ang anak nila. Mukhang magigisa ako dito ah.
“B-bakit naman gabing-gabi kayo umuwi?” Hindi ko alam kung anong iniisip ng mama niya.
“Saan kayo galing? A-at anong nangyari kay Zylie?” siguro gustong-gusto nila akong pagalitan, pero nahihiya sila sa'kin? Bakit tingin ko nahihiya sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...