Chapter Forty Nine- Rebound

518K 8.5K 1.3K
                                    

ZYLIE's POV

Ang sakit na rin ng mata ko nung sumigaw ako? Bakit parang nahihilam na ako. Nasobrahan ba yung pagsigaw ko at pati mata ko sumasakit na? O sadyang naiiyak na ako? Hindi pwede… Hindi ako pwedeng umiyak na lang. Ako ang may kasalanan.

“Ha?” Tumigil naman si Silver. Pero hindi siya humarap. Lumingon lang siya ng kaunti pero hindi para tignan ako. Parang itinapat niya lang sa akin yung tenga niya. Ganun niya ako kagustong kausapin. Hindi niya ba narinig yung sinabi ko eh ang lakas-lakas na nga! Kainis!! Ang init-init na ng pakiramdam ko sa mukha ko.

“Ang sabi ko po ang gentleman mo naman po sa girlfriend mo!!” punung-puno ng sarcasam na sumbat ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi talaga siya nakita, na nagdala ng bag. Bag pa ni Bettina. Bakit ganun? Parang gusto ko lang magwala dito. Kung pwede lang ituloy ko ang pagpunit sa palda ko sa sobrang inis sa oras na ito, ginawa ko na.

Kung hindi lang ako naging bato dito sa kinatatayuan ko eh.

“Girlfriend ko? Sino bang girlfriend ko?” mahinang sagot niya habang nakalingon lang pa rin.

I know. Ibinabalik niya sa'kin ang tanong. Ipinapamukha niyang ako naman talaga ang tumatanggi. 

“Hin..” namumuo na yung laway sa lalamunan ko. Hindi na ako makalunok at hindi na rin makapagsalita “H-hindi ko alam sayo.” Talo na ako. Mukha na akong tanga na nagagalit at naiinis sa kanya. Kahit alam ko naman na ako ang may kasalanan. Parang naiiyak na ako. Bakit ba ang tanga ko?

“Hindi mo alam?” nakita ko sa nahihilam kong mata na humarap siya. Ang sakit na ng dibdib ko sobra na parang gusto ko ng tumakbo palabas. Pero merong parte ng utak ko na naghihintay na gustong lumapit siya at maintindihan yung katangahang ginawa ko kanina.

“S-so… Partner na talaga kayo?” pinilit ko pa ring magsaita kahit ang sikip na ng nararamdaman ko at sa pinipigilan kong pumikit kasi, feeling ko pag napapikit ako tumulo yung luha na namumuo sa mga mata ko. Ayoko sanang makita niya na para akong baliw. Naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko at sa pinaggagagawa ko.

“You heard it right…”

Para akong sinampal. Yung tono ng sagot niya parang sinasabing Magdusa ka gusto mo yan diba? Ang sakit pala? Bakit naman ganito siya gumanti? Hindi ba pwedeng kinausap niya na lang ako ulit? O kaya sana nagalit na lang siya ng nagalit. Hindi yung ganitong kahit kaming dalawa na lang, seryoso pa rin siya dun kay Bettina. 

Kaya ko nga siya iniwan na lang doon sa may pool at hindi ko naman alam na sumunod siya. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Itetext ko pa naman sana siya pagkatapos nun na pagpasensyahan na ang kasinungalingan ko. Pero hindi na. Nakahanap na agad siya ng iba? Wala lang ba talaga yung mga nangyari sa amin?

“uh… ahhokay…” di ko alam kung narinig niya pa yun sa sobrang hina ng pagkakasabi.

Ang totoo marami pa talaga akong gustong sabhihn. Pero parang ayaw na naman niya. Hindi naman siya willing para dito. Ano pa bang gagawin ko sa panahong ganito? Kasalanan ko naman eh. Akala ko lang kasi talaga, maiintindihan niya yung kay Yanny. Hindi ko naman alam na hindi pala ganun katibay kung ano man yung meron kami. Parang wala lang pala yun…

Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya? Hindi ko siya napansing gumalaw mula sa pagkakalingon niya kanina. Anong gagawin niya? Magbabago na yung isip niya? Naiintindihan niya na ba ako ngayon. Sasabihin  niya ba na biro lang lahat yun?

“Kamay.” Yun lang ang sabi niya habang ibinubuka yung mga daliri ko sa pagkakasara. Akala ko hahawakan niya ito pero hindi. Kinuha niya lang yung laylayan ng palda ko na napilas at nilagay ulit sa kamay ko. Nakikitaan na pala ako dahil nabitawan ko yung palda kanina. Nung tumalikod siya, hindi na ako makahinga. Bakit naiiyak na ako ng ganito. Ang hirap pigilan.o pinapansin ng ganito, mababaliw na ako.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon