SILVER's POV
Did I seem to have made an executive decision about this?
No. I'm having snap judgments which is very unlikely of me. These days. Katulad ngayon, Hindi ko talaga alam kung bakit sumunod ako. Wala man lang dahilan. Isn't it that I always argue with my own lazy self before I could get my hands moving. So why? Why am do I feel like stalker, following two unvigilant highschool students.
Siguro kung totoong may kidnapper at target ang isa sa kanila, they might have been gone in a snap. An asteroid could have hit the city na hindi nila mamamalayan. Kanina pa ako nakasunod, and the fact that I'm so close, I can't believe hindi pa rin nila nahalata?
So bakit nga ba ako sumusunod? Siguro dahil tinawagan din ako ni Orange para sabihing gagabihin sila sa school ni Lemon at walang tao sa bahay? Dahil si ate Poty lang ang makakasama ko dun? O baka wala rin siya at wala ring makakain? Kanina ko pa pinagmamasdan yung ice cream parlor kung saan nandoon sina Zylie at yung makatang si Buknoy.
Masyadong matagal ang pagiisip ko kung papasok ba ako doon o hindi ng biglang binaliktad na ng isang serbidora ang sign.
CLOSED.
Sarado na ang store. Naiinis ako. Bakit ako naiinis. Ano pang ginagawa nila? Bago ko pa namalayan, pumapasok na pala ako sa loob. Completely like a rebel, I ignored the sign. Sure, medyo napahiya ako nung nasabihang close na daw. Babalik pa ba ako? Pinakamahirap sa lahat eh yung mag about face ka dahil hindi na pwedeng umabante.
Wala na ba? Hindi na ba talaga pwede? Is there no way forward?
Mabuti na lang at naawa yata sa akin ang isang service crew at sinabing okay pa naman daw. Binati rin ako ni Buknoy like we're close.
“Eto po yung list ng flavors. Kahit sa akin na lang po kayo umorder.” so eto na ba? Kakain na ba talaga ako ng ice cream?
“Wahaha. Bernardo! Yung ilong mo kumakain.”
Galak na galak si Zylie? Napatingin naman daw tuloy ako. May mga ice cream yung ilong nung ka-date niya. Anong nakakatuwa doon? Mukha ngang tanga. Sa pagkakaalam ko, papagalitan na nila mommy si Orange at si Lemon kung ganun sila kakalat kumain. And my sisters are in grade school. Ilang taon na ba si Bernardo? I think he's a Senior. Mas matanda pa sa amin ang lalaking yun pero makalat pa rin kumain? Not funny.
“Dito oh? Dito?” aba't nagtatanong pa ito.
“Ano?”
“AY!!! Wahahaha! Nalagyan pala yung ilong ko. Masarap kaya kainin ng ganun yung ice cream. Try mo!”
Mukhang tuwang-tuwa si Zylie sa date niya ah. Isa pala akong malaking epal. Papasok-pasok sa ice cream parlor kahit closed na. What am I doing here?
“Wala dito yung gusto ko.” Sabi ko sa babae. Dapat kasi talaga oorder na talaga ako. Pero nagbago na ang isip ko. I thought she's having some trouble. I really felt a punch of guilt na hindi ko siya tinulungan kanina habang tinatanong siya ni Buknoy ng date. Pero anong nangyayari ngayon? Enjoy naman pala siya eh.
At tinanong na lang bigla ng service crew kung ano ba daw flavor ang gusto ko. Ano bang gusto ko. Yung gusto ko talaga?
“Pancake.” I realized I was being completely honest. Gusto ko ng pancake. Kaso, meron bang ganun?
Hanggang sa may pagbugang naganap.
Natawa ako. She's really really affect by this pancake moniker. Nawala yung badtrip ko. Like a vapor, it went away that fast.
“So ano na pong order niyo?”
“Wag na pala.” I decided to go out. Now that's an executive decision. I've completely reasoned with my myself out.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...