Chapter Thirty Eight- Psychology,Chemistry and all the Double Meanings

607K 10.7K 1.6K
                                    

SILVER's POV

Manligaw?

"H-ha?" tanong ko ulit kahit narinig ko naman. A reaction inherent to any human being kapag hindi mapaniwalaan ang narinig.

“WALA!”

Truth be told. I know less than nothing about courtship. Apart from book definitions, at may explanations ng mga guro. But I suddenly remember studying Philippine History. Sabi ng insructor namin sa History III, the late Ferdinand Marcos once said to Imelda--  I don't believe in courtship. It's a waste of time. If I love the person, I'll tell her right away. But for you I'll make an exception.

Cool. Don't know if it's true or just an over-dramatized version of their 11-day courtship. I know just History depends on the Historian. 

In my case it's different. It's not that I don't believe in courtship. I just don't have any particular opinion about it. I don't see anything interesting about it.

So what will I do? What will I say? Bigla ko na lang sasabihin na Sige zylie liligawan na kita’ o kaya Sure manliligaw na ako ha.

Things will be superficial like that. Na ginagawa ko lang ang bagay dahil sinabi sa akin? Walang meaning yun.

And... hindi talaga ako marunong. Haven't experienced doing it. 

“Wala talaga?” tanong ko.

"Wala nga akong sinabi."

"Okay."

Wala akong kwentang kausap. And then people still ask why I don't talk?

"Saan ka na?" worried na tanong niya nung naglalakad na ako palayo. 

"Why? Thought you don't have anything to say?"

“Ah... yeah." She sounds offended.

Good Job Silver Jeremy. Nakasakit ka na naman ng tao.

"I... I gotta go." nagpaalam na ako.

"Silver wait." lumingon ako "Y-yung sinabi ko kanina ha. Wag mo na lang pagsasabi yung mga nangyari... Wala naman yun eh." sabi niya. 

Wala naman yun eh.

Wala? Paanong wala? Walang kwenta?

"Pancake." pigil ko.

"Wag mo na rin akong tawaging pancake."

What? One minute nagpapaligaw siya sa'kin. Tapos ngayon ayaw niya na bigla? Naglakad na siya palayo. Hindi ko naman magawang habulin dahil maraming tao ang humarang sa daan. Ang iba binabati ako. Mga regular na nagha-hi sa umaga.

"Excuse. Excuse lang."

"Silver may practice ba kayo ngayon?"

"Silver Jeremy, anong section ang tinuruan mo nung Academic day?"

"Silvy bakit wala pang new entry yung blog ng mga kapatid mo."

Hindi ako makadaan talaga. Why do they ask like a showbiz insider? Tinanaw ko na lang kung saan na nakarating si Zylie. Pero pagtingin ko, hindi naman pala siya naglalakad palayo. Nakatingin pa nga siya sa akin eh. Nakatingin ng masama.

Pero nung nakita ko siya, inirapan niya na naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. Why? Naiinis ba siya sa akin? O sa mga nakapaligid na babae? Is she jealous or something?

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon