Chapter Fifty Nine- Accusations

534K 8.9K 2.8K
                                    

Read before you vote! 

Chapter XLIX- Silver

“Sige Sir, thank you!!!” paalam ni Bettina matapos yung paguusap nila nung Terrence na yun. Wala naman palang silbi yung pagsama ko dahil mukhang nagkakasundo naman talaga yun dalawa. Di ko rin maitanong kung panong naging senior adviser ng swimming club si Pedo eh bagong salta lang siya sa Vander.

“Sige Ms Becarez, please expect a new and improved system sa Swimming Club… malapit na ring maaprubahan ang  modified plan para sa magiging swimming class ng bawat klase bilang PE.”

O___o

Swimming Class ng klase? Magkakaroon ng swimming ang PE namin ngayon??? Di ko nagugustuhan ang kalokohan ng matandang to. Tsk… Kinakabahan naman ako. Parang gusto ko ng maging magkaklase na lang kami ng matabang pisngi. Tss.

“Bye sir. Salamat po talaga.”

“Magsandwich muna kayo!” habol pa sana nung momsy nung pedo.  Pero nagtuloy-tuoy na ako sa labas. Nakakapurga na kasi yung pagmumukha. Kung makapagsalita pa eh parang siya ang may-ari ng eskuwelahan para baguhin yung ilang sistema.

“Wait Jeremy!!!” narinig kong sigaw ni Bettina. “Sige po, salamat na lang po. Sorry sa abala Mrs Sanchez ah… Busog pa po kami at nagmamadali din. Bye po.” Mabilis na sabi ni Bettina sa mag-ina bago sumunod sa akin. “Jeremy saglit lang.”

May part sa utak ko na nagsasabing maglakad na lang ng mabilis, pumasok ng bahay at i-lock ang pintuan. Magkunwaring walang naririnig.

Pero hindi naman pala ako ganun kasama. Naisip ko ring kelangan kong mag-explain. Hinintay ko siya sa may labas kahit na napapansing kong nagdidilim na yung mga ulap.

“Masyado ka naman yatang nagmamadali.” Sabi ni Bettina habang tumatayo sa tabi ko.

“Sorry.” Sagot ko sa kanya. At alam niyang sinasabi ko yun hindi lang bilang sorry sa pagmamadali at paglabas ng walang paalam sa bahay ni Terrence, kundi pati na rin sa mga nangyari sa mga nakaraang araw. I know galit siya sa akin. Kung hindi man galit, baka inis, o asar.

“Tss.” Umiling siya “Ganyan talaga… Meron talagang mga taong, paasa… pa-fall.”

=___=

“And by that, you mean?” sabi ko dahil gusto ko kasing diretsuhin niya.

“Jeremy, let’s stop pretending we don’t know things.” Humarap siya sa akin. Binigyan niya ako ng mapaklang ngiti.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon