TERRENCE's POV
When I saw them kissing. God knows how much I wanted to grab Zylie away from that ass! Pero para akong rebultong napako sa kinatatayuan. Kung tutuusin pwedeng pwede ko silang kagalitan. Sino sila, mga high school students na gumagawa ng ganun sa corridor!
Pero hindi ko alam kung sino ako sa mga oras na yun. Ako ba si Sir Renz na teacher ng Vander High School? O si Terrence na bumalik para kay Zylie? Mas pinangungunahan ako ng emosyon. Mas ayokong tignan ang nangyayari kesa sa lumapit para sitahin sila.
Naunang umalis yung Silver. Naiwang nakapikit si Zylie. Ano ba naman to.
"Zylie..." sabi ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko ding magpaliwanag siya.
Pero tumakbo siya palayo. Am I really too late? Si Silver pa talaga? Sinadya ba ng tadhana na magkabangga kami unang araw ko pa lang dito? Paraan ba yun ng universe para sabihin sa akin na siya talaga ang kabanga ko? Ganun ba?
Kakausapin ko na talagi si Zylie kahit na anong mangyari. Kailangan kong makapagpaliwanag. Kahit may kailangan akong iwan na mga bits of information. Pero kailangan kong magpaliwanag ng maayos. Ng walang asungot. At kailangan niya ring magpaliwanag.
Tapos na ang klase at hinanap ko siya sa classroom nila. Pero nakita ko sina Mikaela at hindi naman nila kasama si Zylie.
Hanggang sa makarating ako sa baba at nakita kong nakaupo si Zylie sa pinakadulo ng hagdan. Nakatingin sa kanya yung mga ibang estudyante habang nakasalampak siya sa sahig.
Mukhang nahulog siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ba't may sprain lang siya? At kung totoong nahulog siya sa pool kanina, nahulog naman siya sa hagdan ngayon?
"Are you okay?"
"Sir nahulog siya kanina, kawawa naman." kumpirma nung isang estudyanteng malapit samin.
Alam kong wala na siyang magagawa. Inakay ko siya sa kotse. Pinilit ko pa rin na ihahatid ko siya kahit nagalinlangan siya ng bahagya.
"Alam mo pa ba... kung saan yung samin?" tanong niya habang nasa daan kami.
"Alam ko..." sabi ko. Pero sorry Zylie hindi muna kita pauuwiin. Not yet.
"Teka! Saan tayo pupunta!!" nagppanic na siya ng iniliko ko.
"Maguusap tayo Zylie." nagpasya akong iuwi siya sa amin. Na nandoon din si momsy. Doon, malaya akong makakapagpaliwanag. At pwede pang patunayan ni momsy ang mga sinasabi ko.
"Papagalitan ako.. uuwi na ako Terrence." kinakabahan siya. Zylie hindi kita gagawan ng masama.
"Please Zylie! Pagkatapos nating magusap ihahatid kita!"
"Saan tayo maguusap? Terrence hindi ako natutuwa sayo."
Napagpasayahan kong hindi na sumagot. Malapit na kami sa bahay.
Mabilis lang akong nagapark.
"Nasaan tayo? Kaninong bahay to?" sabi na naman ni Zylie. Pinagbuksan ko siya ng pinto pero ayaw niyang bumaba. Alam kong kinakabahan pa rin siya.
"Mag-usap tayo sa loob."
"Dito na lang. Please Terrence. Please." Natatakot siya.
"Zylie bahay ko to. Mag-uusap lang tayo. Nandyan naman si momsy sa loob."
"Momsy.... Ma!" tawag ko sa loob.
Maya-maya lumabas na rin siya ng kotse. Akala ko hindi ko siya mapipilit eh pero mukhang naniwala naman siya sa akin na wala akong gagawing masama ng marinig niyang sumagot si momsy.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...