SILVER's POV
Pumasok na ng classroom yung mama's boy na teacher. At hindi na ako nagkamali.. ang lakas ng hangin.
Tingin ko sa kanya, ang itsura niya habang nagsasalita, nagpapanggap na pormal. Nakasuot ito ng buttondown na medyo malaki sa kanya. Hindi ko alam kung hindi ba kanya ang suot niyang damit, o namayat lang siya at nawalan ng dalawang sizes down.
In-short, para siyang yung isa sa mga taong nagbebenta ng Encyclopedia. Not that it's wrong or bad. Weird lang yung itsura para maging guro.
Nagpakilala siya bilang Terrence. Napaisip ako, ilang tao na ba na nagngangaloang Terrence ang narinig ko nitong mga nakaraang araw?
Hindi ko alam kung bakit napakarami niyang sinasabi. Na Renz ang nickname niya. At kapalit siya ni Miss Danica. Bakit ba kami nagsasayang ng oras ng ganito sa pagsasalita niya? Hindi ba dapat ginagawa niya ang lahat para maganda ang transition ng end ng lesson na na-cover ni Miss Dina sa umpisa ng ituturo niya? Hindi yung puro siya na lang. Hindi ko alam kung may pagka-narcissistic ba itong mayabang na ito?
*cough*
Sinadya kong umubo. Puro na lang kasi pagpapa-cute ang nangyayari. Nagpapacute ang mga estudyante, isama mo pa yung teacher. Ano bang klase ang inenrolan ko?
Nang humingi siya sa amin ng self-introduction naisip ko, eto na naman po tayo. Akala ko nakaligtas na ako sa pagpapakilala na Ako ang kulay Silver na Jeremy dahil kalagitnaan pa lang ng school year. Pero dahil sa kanya, kailangan ko na namang pagdaanan ang excruciating process na yun.
At isa na naman ito sa nagpapatagal ng klase na wala namang kwenta.
Nang magsimula, sobrang dami ng mga sinasabi ng mga kaklase ko. Lahat na yata ng parte ng buhay buhay nila ay ikinuwento na. Kaya nung dumating sa akin, ayaw ko nang makadagdag pa sa pagsasayang ng oras at buong pangalan ko lang ang sinabi ko.
"Silver Jeremy Torres." kilala naman ako ng mga classmate ko. At ang teacher namin, kahpitbahay ko pa. Ano pa bang dapat sabihin?
"Ahm... wala ka na bang ibang masabi?" natatawa-tawang sabi niya. With all mockery, ngumiti siya na parang sinasabing wala naman yata akong alam sa mundo.
"Captain ng basketball team. Delegate ng Archery squad. Chess Grand Master. Track and Field Varsity. Math Wizard ng month of June hanggang ngayon. Presidente ng Taekwondo Club, Entepreneur's Guild, Debate Society, at Advance Phyiscs Team. At miyembro ng swimming club. Nakalimutan ko na yung iba."
Alam kong tameme siya.
Ang totoo, kahit itanggi ng nanay ko, marami akong extracurricular activities. HIndi lang puro acad.
Di ko nga alam kung bakit nila ako kinukuha eh. Tamad akong tao pero parang imposed naman yung mga club. Sabagay madali lang naman yung iba. Dapat nga magiging presidente na rin ako ng swimming club pero tinanggihan ko na talaga. Di ko masyado trip ang swimming eh. Si Mr. Carlos kasi masydo lang mapilit pagkatapos niya ako makita sa practical namin last week.
Eh di ako na ngayon ang natatawa sa mukha nung mama's boy sa harap. Para siyang nakainom ng suka na di mawari. Kung makapagtanong kasi akala mo maliligtas ng sagot ang Pilipinas sa kahirapan.
Natapos ang buong klase at walang kwenta lahat ng nangyari. Isang araw ang nasayang na puro siya ang pinaguusapan at mga buhay-buhay ng estudyante.
Matapos ang set ng morning classes, katulad ng usual, nauna ako lumabas para wala pang tao sa canteen ay makakabili na ako. O makakakuha ng magandang pwesto. Blanko yung utak ko at medyo gutom, hindi ko maintindihan kung bakit, kaya nagmamadali talaga ako.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...