Chapter Nineteen- The Venting Place

645K 10.7K 1.1K
                                    

ZYLIE's POV

Hindi ko alam kung bakit napaiyak lalo ako nung niyakap niya ako ng mahigpit. Siguro ganun naman talaga minsan hindi ba? Mas lalong nakakaiyak kapag may nagko-console na sa'yo. Kapag may nagsabi sa'yong Okay lang yan. Nandito lang ako. Diba mas lalo kang maiiyak? Feeling ko ganun eh.

Nung payapa na yung kalooban ko. Bigla naman akong na-awkward! Bakit kami nagyayakapan ng bongga ni Silver? As in superduper na naiipit na yung... yung pancake ko at feeling ko anytime aasarin niya na naman ako kaya kusa na lang ako bumitiw (kahit medyo ayaw ko pa omg sinong nawili sa kakayakap?)

Nung magtanong siya kung iuuwi niya na ako, sobrang pumasok sa utak ko ang kahihiyan na lahat na lang ng inconvenient time, hinayaan kong nandiyan siya- si Silver. Gusto ko na talagang magthank-you ng sobra at ihatid niya ako pauwi, pero magsisisi rin naman ako kapag hindi ko sinabi ang gusto ko talagang puntahan.

Sa karnabal.

Mabuti na lang at hindi siya nagtanong o natawa. Tinanong niya lang kung saan ang malapit na carnival at sinunod niya ako na parang okay lang talaga yun. Kaya kahit may pancake na naman siyang sinabi, di ko alam kung bakit 'di na ako naasar. Siguro dahil may mas malalang bagay pa na dapat ikaasar kesa sa pancake.

Habang papalapit kami sa direksyon ng carnival, napaisip na naman ako na mabuti na lang talaga, nandoon siya. Always at the right place, at the right time. Nakakapataka minsan at napaka-assuming ko naman kung iisipin ko na baka- baka lang naman- sinusundan niya ako kahit papaano. Kaya ganun, nagiging savior ko siya madalas. Pero inisip ko na lang na, coincidence lang lahat. Lucky coincidence.

"Diyan... Diyan! Kumanan ka diyan!." Bigla kong sabi. Muntik na kasi naming malampasan yung kanto na  na bigla ko na lang nakita habang nagiisip ako ng malalim. Mabuti na lang at mabilis din namang naikabig ni Silver ang sasakyan.

Ang sarap ng may sasakyan. Napakaconvenient na pumunta kahit saan. Alam ko dati, may sasakyan din kami, pero binenta yata yun... Hindi ko na matandaan. Basta may mga panahog hindi nakakapagpadala si kuya Zac, kaya may mga bagay na binenta ang pamilya.

"Alam mo Silver. Thank you talaga for dropping me off, here." pababa na ako ng sasakyan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin lahat ng nabubuong pasasalamat sa puso ko bago pa man siya umalis. "Maraming maramings salamat. Tatanawin kong isang malaki--"

"Hang on. Are you... saying goodbye?"

"A-ano?" di ko magets.

"You won't let me in?" tanong niya na prang bahay ko naman ang carnival at nagtatampo siyang hindi ko siya papapasukin. "Seriously you won't let me inside?" ulit niya ng hindi ako makasagot.

"B-baka kasi hindi mo naman magustuhan ang nasa loob. Cheap lang dito at hindi mala-enchanted kingdom o disneyland. B-baka."

"Pero hindi mo ako driver na basta inihatid ka lang."

Aray. Oo nga naman. Napakauser ng istura ko eh.

"Sorry... pano ako makaka---"

"Ilibre mo ako..." nakatingin siya sa ticket booth.

Ngee! Bukod sa wala akong sobrang madaming pera, nakaka-awkward naman na isasama ko siya sa loob. May mga kumakain diyan ng buhay na manok, tumutulay sa lubid at nagpapanggap na sirena. Hindi naman yun ang gusto kong puntahan pero makikita niya pa rin lahat ng ka-cheap-an ng iba, at nakakapagalala. Gusto niya ba talagang sumama?

"O-okay..." wala na naman akong magagawa. Ginusto niya yan, bahala siyangmag-tiis sa loob mamaya.

Binilang ko muna yung nasa wallet ko. Sana talaga mag-kasya. Minsan na lang ako manlibre, yung wala pa akong pera talaga. At si Silver pa talaga ang ililibre ko. Sige kung diyan siya masaya at kung makakabayad ba ako sa kanya ng utang na loob.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon