dedicated to the person who guessed some awesome crazy bits. Galing! :)
~
SILVER’s POV
Pasukan na ulit. What I thought to be the hardest part- yung magpakita ulit sa buong campus matapos lahat ng yun- turned out to be, easy. I told Zylie to wait for me para sabay na kaming papasok sa quadrangle. Sa una ay mga nagbulungan. Pero later on, they’ve moved on. We might be getting a lot of people throwing daggers with their looks, unti-unti naman itong nawala ilang oras lang din ang lumipas.
The attention which I thought would follow us for a lifetime, just… withered. Like a stale news. Siguro pinalipas na rin ng Christmas Vacation- the gravity of the issue.
Nung nagkita kami nung recess, nagpaalam na rin ako na aalis ako for the Scholastic Decathlon na magaganap sa isang school. Constance High School if my memory serves me right. Bakit ba kasi hindi ako nakikinig sa mga briefing.
“Why?” I asked. Sinabi niya kasing hindi daw siya sasama sa mga volunteer audience na kinuha ng Vander for support. I don’t like it either- people cheering for you like there’s no tomorrow. Pero okay na rin sana kung sasama siya.
“Remedial class…”
“Pancake, what’s your remedial class, first day of school?” tinawagan ko rin siya habang nasa school van kasama ng ibang mga kasali sa decathlon. Actually, second day pa talaga yung Chemistry Quiz bee sa loob ng dalawang araw. Sa sampung events, pang-anim ito. Unang-una bukas. Pero kinailangan naming pumunta lahat ngayon para sa commencement.
Naisip kong okay lang din na may remedial class siya ngayon, at least bukas sa oras talaga ng laban, nandoon siya.
“P.E.” sagot niya.
“P.E.?” napag-isip ako. Si Mr. Carlos nagmamadali yata sa make up classes at kahit kababalik pa lang after Christmas Vacation, agad-agad ito. Pero naisip ko rin na parang narinig ko nga na magpa-Paternity Leave daw ito. Then maybe that explains kung bakit siya nagmamadali.
“Oo. Nung nag… nag-cutting tayo last time. Hindi ako naka-attend ng P.E.”
Yeah right. When we sneaked it. The time we got the crystal ball.
“Then, take care.”
“Yep.”
I know may kulang. Okay kami pero everything seems to be superficial. That us being okay is not really what should be. That if you scratch the surface, we are broken.
Pero hindi ko muna gustong alalaahin.Naisip ko baka tama nga naman si Mika, baka kailangan ko pa munang makausap si Cleo at tapusin ang lahat, bago ko maayos ng totoo yung kay Zylie. Kaya hanggang hindi ko muna nahahanap si Cleo, siguro, hahayaan ko munang ganito. Na kahit papaano, okay kami.
“Where is Bettina?” tanong ng coordinator. Lumingon nga rin ako sa paligid pero wala nga siya. Akala ko pa naman siya ang punong-abala sa decathlon na ito? Eh bakit siya pa ang wala ngayon?
Naisip kong tawagan siya, pero pagtingin ko sa phone ko. Bago nga pala ito at walang laman ang Contacts kundi ang pamilya ko, si Zylie at mga kaibigan niya. Nasa lumang phone ko pala ang digits ni Bettina… Nasaan na kaya siya? At nasaan na rin yung phone ko? Tsk.
BETTINA’s POV
I turned my phone off. Palagi na lang silang ganyan eh… You are just important when they need you. Kapag wala ka ng silbi, hindi ka na rin kailangan, hindi ka na rin importante. Wala ka na ring kwenta.
“Bettina! There you are!” si Carly. Sumunod pala siya sa akin. I tried to hide my alarmed face. Nakakagulat kasi siya. I found myself spying Zylie at walang nakakaalam nun. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa ito eh. Ang alam ko lang, marami akong nakita sa phone ni Silver na hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. May mga personal and thorough videos akong nakita doon… Pero hindi ko maintindihan kung bakit si CLEO pa rin ang passcode. 2536 sa keypad. It wouldn’t take a cryptographer to guess that. All you need to know is Silver…
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...