:iamprincessria: "Kung si Zylie, external part lang body nagkamalas-malas, sugat, bruises, pilay etc, si Cleo naman sa internal, puro Cancer. Gosh. Parehong malas ang nagustuhan ni Silver! Hahaha!"
SILVER's POV
“You can’t mess up with two girls. You can’t play with them. Kung gagawa ka ng kalokohan, wag ka ng mandamay ng mga babae. One moment you introduce a stranger to us. Some schoolmate whom we've never heard of!"
Sinabi yan ni dad pagkatapos ng insidente sa fire sprinkler system. Dahil sa mga nangyari, nakita niya si Zylie, alam din niyang escort ako ni Bettina sa Christmas ball, at nakita niya ang dalawa na sabay na nasa bahay nung insidente ng di umano’y sunog.
“Babae ang mommy mo. Babae ang mga kapatid mo. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari kahapon. Pero ayoko ng nagpapaiyak ka ng babae. Ayoko ng may napapagbintangan. At ayoko na may nasasaktan. Lalo na’t nandito kayo sa pamamahay ko.”
“Yes, dad.”
“Kung babalikan mo si Cleo, balikan mo na. Hindi yung naglalaro ka pa ng damdamin ng iba.”
“DAD!!!!” Nagulat ako nung sinabi yun ni Daddy. Alam kong hindi yun random. Hindi niya lang yun sinabi kahit ang pinaguusapan namin eh sina Bettina at Zylie. Kung maririnig ng iba, malamang masama na ang iisipin nila sa’kin? Ilang taon lang ba ako? Middle school? Tapos tatlo-tatlo yung babaeng kadikit ng pangalan ko?
Pero… Ang tagal na bago nung huli naming napagusapan si Cleo Reese.
“Kausapin mo ang mommy mo… pero pagkatapos na ng detainment mo.”
After that, hindi na ako muna nagkaroon ng chance para makausap si mommy. Limang araw ako sa fire station para sa detainment. Pagkauwi ko, naabutan ko si Bettina accusing me things I allegedly sent her. Dumeretso agad ako kay Zylie kasi I know for a fact na nasa kanya ang phone ko. I left it nung natulog ako sa kanila. I immediately went there only to find her kasama si Buknoy kaya iniwan ko din siya. Isang malaking pagkakamali dahil dahil kasi doon, napahamak siya.
Napahamak si Zylie na hindi ko pa malalaman kung hindi niya kinonfront si Bettina nung time na pupuntahan sana namin si Cleo sa ospital…
I finally got the chance to talk to mommy bago yung araw na yun at sinabihan niya akong pumunta sa opisina. Para kausapin si Cleo.
Nang itanong ko kay mom what that is all about. Kung bakit kailangan ko pang pumunta sa ospital at kausapin si Cleo…
“No anak, you have to talk to her.” Mom insisted. At alam kong hindi yun basta statement. It’s an imperative. It’s not often that mom commands me around with things, kaya alam kong importante ito.
“Why can’t you just tell me mom? Tungkol saan ba yun?” giit ko. Ayoko kasi lahat eh yung pakiramdam na ganito. Nabibitin. Alam naman ni mommy pero ayaw niya pang sabihin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...