Chapter Fifty Seven- Debts

551K 8.9K 1K
                                    

ZYLIE's POV

Grabe, di ko alam na ganun pala ka-powerful ang mga salita. Simpleng sentence lang kala mo matalim na bagay na nakakasakit na.

HINDI PA NAKAKALIMUTAN

Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na dahil ako yung nagtatanong sa kanya, dapat inexpect ko na yung sagot. Pero pagkasabi niya nun, parang sumikip yung dibdib ko at nagtwitch yung muscles sa pisngi ko na parang gusto ko na talagang umiyak. Kinakagat ko yung dila ko para pigilan pero bakit ganun? Feeling ko punung-puno ng laman yung sinabi niya?

“Zy naman…”

“Eh di ang saya mo… Ang saya-saya ng buhay mo.” tinatry ko talagang tumawa. Kasi naasar ako sa kanya pero ayaw kong makita niyang kawawang-kawawa ako. Ang kaso, automatic yung luha ko, kaya feeling ko mukha akong baliw na nagpipilit tumawa kahit naiiyak na talaga.

“Hindi Zyla… Tumingin ka sa’kin” hinawakan niya yung dalawang pisngi ko tapos pinunasan niya yung luha. Yung mga simpleng ganyan niya na nagpapakilig sa akin. Grabe lang. Pero masama pa rin ang loob ko. Walang paglalagyan yung kilig na binibigay niya ngayon.

“Uuwi na ako…” I decided. Sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi naman ako makakauwi mag-isa. Imposible akong makapagwalkout ng nakasaklay. Hindi ko alam kung bakit ako pa yung nagiiwas ng tingin kahit alam kong wala naman akong kasalanan. Baka natatakot lang ako sa mga sasabihin niya habang nakatingin ng diretso sa akin.

“Hindi… tignan mo ako…” nagpupumilit siya na tignan ko siya sa mata. Nakakinis lang talaga.

Naiiyak ako. Kaya wala akong masabi.

“Zylie… Ano bang iniisip mo?”

Ayan na naman siya. Kailangan niya pa bang itanong kung anong naiisip ko? Eh obvious naman dapat kung ano yung naiisip ko sa lahat ng nangyari. Kasi naman, puro pakilig tapos biglang ganito.

“Wala! Naiisip ko lang na masaya ang buhay mo. Magpakasaya ka lang ha?! Maganda yan.”

“Zylie ko… Hindi ako masaya ngayon…”

“Aah?”

Nagiging sarcastic ako nung sinabi kong magpakasaya lang siya. Pero bakit iba na naman yung naisip ko nung sinabi niyang hindi siya masaya… ngayon? Dahil ba may hang-up pa rin siya kay Cleo? Ganun ba yun? Kaya hindi siya totoong masaya?

“Tae! So ganun? Hindi ka pala talaga masaya ngayon? Ngayon? Dahil ako yung kasama mo di ka masaya?? Eh ano nang gusto mong mangyari ha? Gusto mo bang bumili ng time-machine para bumalik ka sa masayang nakaraan mo?” grabe inis na inis ako. Parang sobrang agit na ako na di ko na napansin na nasusuntok ko na yung dibdib niya.

“Do not. Twist my words, Zyla Lienne."

 He mentioned my whole names.

“EH ANO?!”

“Stop, you're just hurting yourself.” Hinawakan niya ng mahigpit yung dalawang wrist ko. “Di talaga ako magiging masaya hanggang umiiyak ka. Mahal kita di mo ba yun nararamdaman? Hanggang kelan ba natin ito papatunayan?”

Tapos niyakap niya ako. Eh di lalo naman akong naiyak. Kasi nalilito na ako. Nararamdaman ko naman. Sa sobrang pakiramdam ko nga minsan hindi na ako makapaniwala eh. Marami lang talagang gumugulong mga bagay-bagay.

“Eh bakit sinab--”

“Bakit ko sinabing di ko siya nakakalimutan?” putol niya sa akin habang nakayakap pa rin. Alam niya na yung itatanong ko.

Isang mahinang tango lang yung binigay ko. Naramdaman niya naman siguro kahit di ako sumagot.

“I would be lying kung sasabihin kong nakalimutan ko na siya. Pero di naman ibig sabihin nun, na everything’s still the same. Hindi naman pwedeng magbura ng data sa utak eh. Hindi mo makakalimutan ang ibang bagay na nandun.”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon