ZYLIE's POV
Ang bango. Para akong adik na nakalimutan na lahat ng sasabihin at iaangal ko noong kinulong niya ako sa mga bisig niya.
Yung amoy niya na parang drugs na unti-unting sumusuot sa sistema ko. Kung pwede nga lang na dito na ako tumira sa tabi niya eh. Haha. Niyakap ko siya ng mahigpit at sa tingin ko, halos makalimutan ko na lahat ng mga alalahanin.
“Hmmmm…” narinig kong sabi niya habang niyayakap niya rin ako ng mas mahigpit.
Good Lord. Ano bang nagawa ko para bigyan ako ng blessing na ganito. Eto na ba ang kapalit ng lahat ng kamalasan na inaabot ko? Pero para kasing it’s too good to be true. Haay. Natatakot tuloy ako. Baka kasi etong mga kasiyahan na natatamasa ko ngayon eh may mga kapalit.
“Yakapin mo lang ako ng ganyan ah…” Holo di ko napigilang sabihin.
“Di pwede.”sagot niya
“Ha? Bakit naman?” lumayo ako sa kanya para tignan yung mukha niya. Ano ba kasing sinsabi niyang hindi pwede? Nakapikit pala siya at nakangiti ng kaunti. Tinitigan ko yung mukha niya ng saglit bago siya nagsalita.
“Hindi pwedeng… Hindi pwedeng hanggang yakap na lang…”
Ha? Ang tagal pa bago ko naintindihan yung sinabi niya.
“Hoy grabe to!!!” hinampas ko siya sa braso ng marahan at tska ako tumalikod. Nahiya naman daw ako. Talaga tong si Silver Jeremy kung ano-anong kalokohan sa buhay. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan.”
“Hindi ako nagbibiro…” dumilat siya at tinignan ako sa mga mata. "Mag-ingay ka pa bilog."
“Wah!” tumalikod ako bigla “umayos ka diyan!!” kinakabahan na naman ako sa kanya.
“Maayos naman ako ah…” bulong niya sa tenga ko. Kinuha ko na naman yung malaki kong unan. At yun ang niyakap ko. Baliw kasi tong si Silver eh.
“Hindi pwede… Yakap lang…” mahinang sabi ko.
“Bakit yakap lang?” sagot niya ulit habang binibigyan ako ng backhug. Kyaaah feeling ko tuloy ang liit-liit ko habang iniipit niya ako ng yakap.
“Syempre…” nahihirapan akong magsalita. Isinisiksik niya kasi yung ulo niya sa gilid ng mukha ko. Habang hinihigpitan niya yung yakap niya. “Bawal pa yun…”
“Ha? Anong sinasabi mo?” Ano ba to? Papagexplain-in pa ako?
“Ikaw! Sabi mo, di pwedeng hanggang yakap lang? Ano ka ba naman. Wag mo akong binobola ng ganun!” pshh kinakabahan naman ako sa pinaguusapan namin eh. Tska ang awkward.
“Hmmmm, I see… Wala naman akong ganong ibig sabihin. Tell me, ano bang naiisip mo?” Waaaah. Wala daw siyang ganoong gustong sabihin? Eh ano? Waaah. Eh di ako lang pala yung madumi yung utak dito? Waaaah Nakakahiya!
Kinuha ko nga yung kumot at nagtalukbong ako.
“Walaaa! Wala akong naiisip!”
“Meron eh…”
“Eh ikaw kasi sabi mo hindi pwedeng hanggang yakap lang! Eh ano?! Sinasabi ko lang naman, na ano… na…” hindi ko talaga ang alam ang tamang mga words sa mga ganitong usapan eh “na… magbehave ka! AYY!” napasigaw ako kasi hinila niya yung kumot.
“I’m not doing anything!” nakasmirk niyang sabi.
“EH ANO!? Akin na nga yung kumot!”
“Shhh!” sabi niya. Ang ingay ko nga naman baka marinig ako nila mama. “I won’t do anything bad…” tinitigan niya ako habang inilalayo yung kumot sa akin.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...