Chapter Thirty Five- Be Careful for What You Wish for

591K 10.8K 1.3K
                                    

ZYLIE's POV

Mama? 

Anong mama-mama ang pinagsasasabi nito???

Nilakihan ko talaga yung mata ko para tumingin siya sa akin at magets niya na hindi ko maintindihan ugali niya. Bakit siya nakiki-mama sa nanay ko? 

Humarap din siya sa akin.

“Kyot!!” May pagkabaliw talaga itong lalaking to. Sinabihan pa ako ng ganun sa harap ng mga magulang ko. “Kyot mo!” hindi pa siya nakuntento.

Gaanong miming at facial expressions ba ang kailangan para maintindihan niya na wag siyang ganyan. Acting out like a real boyfriend. Nakiki-mama, at hindi nahihiyang magpakita ng ganun sa harap nila mama. 

Sige ka, baka maniwala ako sa'yo kapag di ka tumigil.

Nilakihan ko pa lalo yung mata ko para magets niya na tumigil na siya. 

“KYOT LALO!!!” hinawakan niya pa yung pisngi ko. Sabay kurot. 

Naubo tuloy si papa.  

Muntanga po si Silver. Mukhang hindi pa nakakahalata eh! Lahat na yata ng facial expressions nagawa ko na mapansin niya lang na hwag naman ganun. Tska saan naman niya naimbento ang sinasabi niya?

KYOT? Anong klaseng variation ng cute yun? Ibig sabihin ba nun eh panget na cute?

“KYOT KYOT KYOT!!”

“Ehem ehem!” sabi pa ulit ni papa. Kailangan na talagang magsalita.

“Ang cute mo rin nuh? Kapag kailangang magsalita, tipid-tipid mo. Kapag hindi naman kailangan, paulit-ulit ka naman?!"

Napatingin na lang sina mama at papa sa amin at bumalik na lang sa mga kani-kanilang ginagawa.

“Kyot mo kasi!” naniningkit pa talaga yung mata niya habang sinasabi niya yun.

Cute ba talaga ako? Nangaasar ba siya? Imagine, sobrang nilalakihan ko na nga siya ng mata at butas ng ilong. Baliw yata talaga siya! Hindi niya ba naiintindihan na magulang ko ang nasa harapan ko at hindi ako pwedeng makipaglandian?

“LALABAS LANG PO KAMI!!!” sa huli ako na rin ang sumuko at yun na lang ang nasabi ko eh. Kasi naman kung hindi pa tumigil itong si silver ng kaka kyot-kyot niya. Ako rin naman mahihirapan.

“Huhh?” nagulat sina mama at papa. Alam kong gabi na pero, gusto ko na talagang ilabas sa bahay naming tong Silver na ito. Konting-konti na lang talaga, gagawin ko na siyang Gold.

“Bibili po ng project! Opo! Yun nga po. Di lang makalabas kanina kasi nga hinihintay namin kayong dumating.” pagalitan na nila pagkatapos, hwag lang sa harap ni Silver. Mamaya mapalo ako sa pwet bigla ni mama sa ginagawa nitong lalaking ito eh.

Nung nakalabas na kami bigla siyang nagsalita.

“Date?”

“Sate ka diyan. Di nuh? More like damage control.” baliw talaga siya. 

“Teka kala ko bibili ka ng project, sumakay ka na dito para mabilis.” turo niya sa sasakyan niya. Masyado ba siyang natuwa na hawak niya ulit ang susi?

“Kunwari ko lang yun. Umuwi ka na, gabi na kaya. Kung anu-anong sinasabi mo sa loob eh. Ayos lang po mama." I mimicked his voice. "Kelan mo pa naging mama ang nanay ko?" 

“Ayaw pa.” naglakad siya.

 Saan siya pupunta? HIndi siya dumeretso sa sasakyan niya eh.

“Uiii saan ka?” kung maglakad siya akala niya taga-dito siya. Gusto niya bang mapagtripan ng mga tambay sa kanto? Hindi siya sumagot. Basta naglakad lang talaga siya. "“HOY! Saan ka pupunta? Umuwi ka na?!!” sabi ko pa ulit ng medyo malayo na siya.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon