Chapter Forty One- Oranges

543K 9.3K 1.1K
                                    

ORANGE's POV

Excited na excited akong umuwi! Hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil na rin sa makukulit ko si kuya. Favorite ko siyang kulitin dahil ang tahimik niya, actually silang dalawa ni Lemon, parehas tahimik. Nakakaloka, sinong nabubuhay sa katahimikan? Mas lalo ngang nakakabingi eh, Kapag tahimik, mas marami kang maiisip, mas marami kang maririnig na di mo naman alam kung totoo o guni-guni mo lang. Mas nakakabingi.

Excited nga siguro ako dahil malapit na akong sumuko sa kakakulit dito sa kakambal ko. Napakawalang kwenta. Nasa sasakyan, nagbabasa ng musical score? Kinakabisado ba niya? O sadyang nageenjoy lang siyang basahin. I mean, paano mo babasahin ang musical score na feeling mo libro ito? Kadiri lang.

“LEMON LEMON LEMON!!!!!!” paulit-ulit ang pangungulit ko sa kanya habang nasa sasakyan kami pauwi. May service naman talaga kami. Pero madalas sumasabay kami kay Kuya. May mga pagkakataon lang na hindi kami hinahatid-sundo ni kuya kaya sa service kami sumasabay. At madalas, kapag dismissal, sa school service kami. Madaming practices ang kuya naming Mr. Everything.

“Shhhhhh!” sabi nito at bumalik sa binabasa. Ano ba naman yun? Tumutugtog ba siya sa utak niya? Feeling niya ba siya si Mozart? 

"LEMON JANE!"

Di niya na talaga ako pinapansin. Napakahirap ng ganito, kami na nga lang ang natira sa sasakyan dahil huli kaming hinahatid. Mas lalong nakakabingi. Nagiisip na nga ako na kakausapin ko na lang yung driver. Pero nakakahiya.

Paano ko kaya makukuha ang atensyon ni Lemon?

Hmmm.

 “LEMON! LEMOOOON! LEMS!"

"Shut up."

"Lemon! May girlfriend na yata si kuya!”

"I'm gonna kill you. I'm gonna kill if you are just making things up."

See? Creepy ang kapatid ko. Imagine-in mo makikita mo ang sarili mong mukha sa harap mo na sasabihan ka ng I'm gonna kill you! Creepy! Pero at least nakuha ko ang atensyon niya 'diba?

"I am not!"

"Name?"

"Zylie!" confident pa ako. Imposibleng hindi girlfriend ni kuya yun eh. Ilang libong beses niyang tinawag mula sa panaginip. Subconciously, na-invade na ng Zylie na yun ang utak ng kuya namin. 

"How did you know? At bakit hindi ko alam yan?"

"Narinig ko lang! Sinasambit niya sa panaginip. Maraming-maraming beses. With matching ungol. Hahahaha!"

“Baka naman pangalan lang ng character niya sa online game na nilalaro niya.” Bumalik si Lemon sa pagbabasa. Mukhang hindi yata sapat na dahilan ang napapanaginipan ni kuya para maniwala siya.

“Eh! Ang sabi ni kuya ipapakilala daw niya eh. Character sa online game ipapakilala? Try natin minsan yun Lems."

“Seriously?!" high-pitched na si Lemon. I love this! Nagsasalita ang kapatid ko. It's a miracle. No, I'm the miracle. I'm the mute-whisperer, mouhahahaha! 

"Nakapag-move on na si kuya. Magagamit ko na ulit itong digicam, para makapag kuha ng pictures. And videos!"

"Crazy."

"May ate na ulit tayo Lems." 

"Just keep your fingers crossed, sis."

~~

“WE’RE HOOOOMME!!!” normal na yan tuwing dadating ako. 

"Why do you always say that?!" inis agad si Lemon. Crabby.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon